RASHMIN EL SALVADOR Mabilis kong hinuli ang kamay ng taong may hawak na dinadantay na basang bagay sa aking katawan nang maalimpungatan ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nagtama ang paningin namin ng may edad na babaeng natitigilan na nakatitig din sa akin. I slowly open my mouth. "S-Sino ka?" tanong ko pero walang boses na lumabas sa lalamunan ko na tuyong-tuyo na. Kumilos ako. Napadaing ng malakas, mariin na napapikit sabay bitaw sa kamay nito ng atakihin ako ng subrang sakit. Walang katapusang sakit na tila ba kuryente na kumalat sa aking buong katawan. Kumikirot ang bawat mga kasukasuan ko. Mapapaaringking ka sa sobrang sakit. Hinawakan ako nito sa aking braso. "'Wag ka na munang kumilos." boses ng babae. Muli akong nagmulat ng aking mga mata. Dalawang beses na lu

