CONTINUATION NG ALAALA RASHMIN EL SALVADOR Dali-dali kong ipinarada ang motor sa garahe saka hinatak siya papunta sa likod ng bahay. Sa secret door kami dumaan papasok sa loob. Nanghihina, hapong-hapo na napasandal ako sa likod ng pinto matapos ko iyon maisara. I took a deep sigh of relief. “Can I... Can I know your name?” Matagal akong napatitig sa mukha ng kapatid ni Gonzalvo saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. “Rashmin,” aniko sabay tanggal ng takip ko sa mukha. Lumugay ang lampas balikat kong itim na itim at tuwid na tuwid na buhok. “Rashmin..?” “Rashmin El Salvador.” Iginala niya ang paningin sa buong paligid. We were inside the underground. “Kanino 'tong bahay?” “Kay Tita Zaniyah--ahw--” “OK ka lang?” Tumango ako kahit kumikirot ang tinamaan kong braso. Nakangiwi

