THIRD PERSON's POV DARLEEN “Na send mo na ba lahat?” tanong ko kay Curtis sabay hablot ng cellphone sa kamay nito. Tiningnan ko ang screen niyon. All the messages were sent successfully to James new number. Matamis ko itong nginitian saka tinapik-tapik sa mukha. “Job well done, Curtis.” Tinitigan ako nito ng masama. “Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Dekada ang pinagsamahan niyong dalawa tapos--” “Wala yung kabuluhan sa'kin, Curtis.” sabad ko sa kanya. “Lahat yun parte ng paghihiganti ko sa ginawa ng mga magulang niya--” “Self-defense ang nangyari!” nangangalaiting sabad nito. “Whether it self-defense or not, still, it doesn't change the fact that they killed my father!” “'Wag mong isisi sa mga magulang ni Boss James ang kasalanan ng Daddy mo!” “Siya at siya pa rin ang sisi

