30: SACRIFICE UNTIL THE END! Pagkadating na pagkadating ni Martinie sa bahay hinanap nya agad ang nanay nya. Nakita nya itong nagluluto sa kusina. Nagulat sya ng makita itong masigla at bumalik ang dating itsura hindi katulad ng nakita nya kanina bago sya pumasok sa trabaho. Nagsasalita ito at hindi napansin ang pagdating nya. “Salamat sa kaluluwang iyon. Akala ko matatagalan pa sya.” Tila may kausap ang nanay nya. “Magluluto ako ng masarap bilang pag-aalay.” Nakangiting sabi ng matanda. Napatakbo papalabas si Martinie at napahawak sa kanyang dibdib. “Hindi. Anong ibig sabihin ni nanay?” naguguluhang sabi nya sa sarili. Humawak sya sa ulo nya at nag-isip kung anong gagawin. Masyado syang balisa. Sunod-sunod bumalik sa isip nya ang nakita nya kaninang itsura ng nanay nya at a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


