25: WHO’S NEXT? Hindi nagsayang ng oras sina Katarina at Cooper ilang minuto pagkababa ni Quinn. Nagdiretso sila sa dating tinitirahan nila Mattinie upang ipagtanong ang pinagta-trabahuhang ospital ng kapatid nito. Dahil sa may pera sila ay madali silang nakakuha ng impormasyon. Bawat tanong nila ay nagbabayad sila ng isang libo at dahil dito nalaman nila ang mga gusto nilang malaman at agad pinuntahan ang ospital na pinagtatrabahuhan ng kapatid nito. “Mortridge Hospital?” bulong ni Katarina. Naisip nya na sa ospital kung saan nagpapagamot si Quinn ay doon din nagta-trabaho ang kapatid ni Mattinie. Mas lalo syang nakaramdam ng pagkakakaba. “Feeling ko planado lahat ng nangyari sa’tin ng hindi natin namamalayan.” Kinakabahang sabi ni

