27: THE TRUTH BEHIND THE CURSE! Papunta na ang tatlong magkakaibigan sa tinitirhan ng pamilya ni Mattinie. Nagdadalawang isip pa din si Quinn dahil sa nangyari sa kanya doon nung huling punta nya. Nagda-drive lang si Cooper. Nasa backseat naman si Katarina na may nakalagay na headset sa tenga nya at nakapikit na tila natutulog. Tiningnan sya ni Quinn sa rearview mirror bago nagsalita. “Sa tingin ko something’s bothering her. I don’t wanna be negative but I think she’s next.” Nagbuntong hininga si Quinn. Hindi naman umimik si Cooper kahit narinig nya ang sinabi ng kaibigan. “If I could only do something –” hindi pa man natatapos magsalita si Quinn ng biglang napasigaw si Katarina at nagising ito. Tumingin sya sa paligid at tsaka humawak sa dibdib nya. “Panaginip lang.” Bul

