21: MATTINIE! Kasama ni Katarina sa isang litrato ang babaeng nakikita ni Quinn. Pareho silang nakangiti sa picture na tila walang problema. Tiningnan nya ang likod ng litrato at may nakasulat na address dito. Biglang nagflashback sa isip ni Katarina na minsan ay naging close din sila. “Katz are you coming with us?” tanong ni Perry. Parang bumalik naman sa katinuan si Katarina ng marinig ang tawag ng kaibigan. Tumakbo sya papalapit sa dalawang naghihintay sa labas. “Perry, ikaw na muna ang magdala sa ospital kay Quinn.” Tumingin sya kay Cooper. “Per, samahan mo ako.” “Saan?” nagkatinginan sila ni Perry. “Kina Mattinie.” Yumuko sya sandali at ipinakita ang hawak nyang picture. “I wanna make sure she’s fine

