"Waaaaaaaaaaaa" biglang sigaw ni Lio kaya napatakbo ako kaagad at ganun din naman si Myles. Bumungad sa'min ang napakagulong kwarto ni Lio. Lahat ng gamit nagkalat. "Anong nangyari, Veichleo?" Tanong ni Myles.
"Hindi ko talaga makita 'yung papel!!!" Sabi niya habang patuloy na naghahalungkat. Nagtataka kayo? Nandito kami sa Floor 50 kung saan nakatayo ang bahay namin. Gamit ang mga nagbukas na Portal malaya na kaming nakakabalik sa mga naclear naming Floor, including ang bahay namin."Anong papel?" Pagtataka ni Myles.
"Yung papel na nakasulat para sa pagbuo ng isang Party na nawala ng isang bata" sagot ko.
"At sinong bata ang tinutukoy mo?" At bigla niyang hinagis 'yung box na hawak niya sa'min. Sinagi ko 'to ng braso ko at bumungad ang mukha ni Lio "Hindi ko mahanaaaaaaap!"
"Ako alam ko ang spell" sabi ni Myles kaya kaagad lumapit sa kanya si Lio "Talaga? Seryoso? Walang halong biro?"
Napatango nalang si Myles. Kumuha siya ng papel at sinulat niya 'to at tsaka namin binasa "Pero hindi magwowork ang Spell na 'yan dahil ang gusto niyong ibuong Party ay kasama ang katulad kong Demon Wizard, na hindi kayang basahin ng Mahika niyo ang Mahika ko" sabi ni Myles.
"P-pero paano natin magagawang maging isang Party?" Tanong ko naman at umupo kami na akala mo ay may meeting kami.
"Floor 92, sa Safe Zone may makikita tayong punong umiiyak ng dugo. Kailangan natin 'yon sa Ritual. Pero-- ang pinunta natin doon na'yon .. walong floor nalang ang kailangan natin para mabawi ang mundo natin. At mas mabuti nang isa tayong party na lalaban kay Eliza .. " sagot niya.
"Floor 78 palang ang nakiclear natin. Huhuhu Diyos ko, pano 'to? Maghihintay tayo? Maghihintay nanaman? Lagi nalang ba tayo naghihintay?"
"Manahimik ka nga Lio, geez" pag-awat ko naman dun sa bata.
"Wala tayong dapat na alalahanin dahil may isa pa kong natitirang Light Gem" sabi ni Myles.
"Light Gem? Ano naman 'yon?" Tanong ko.
"Light Gem na tanging mga Demon Wizard lang ang nakakagamit. Sa oras na mapatakan ko 'to ng dugo ko, liliwanag itong parang sikat ng araw na kinahihinaan ng mga Halimaw. Katulad nito ang araw na natatakpan ng b****y Moon na nangyayari lang sa labas ng Dungeon. Pero hindi ganun kalaki ang epekto nito sa mga Boss Floor. 10% lang sa mundo natin ang mayroon nito. Once na buksan ko 'to, wala ng sarahan. At, sa oras na mabasag 'to, mawawalan ng epekto"
"To think na may bagay palang ganyan dito" bulong ko.
"Bukas ng umaga tayo babalik sa Floor 78 para maipagpatuloy natin ang pagkiclear ng Floor. Pahinga muna tayo, hihi. Beauty rest muna. Ikaw Rius, rest lang wala kang beauty, mag rest ka lang hihi" sabi Lio na nagpatawa naman kay Myles na laging seryoso.
Tumingin si Lio sa kanya ng may malaking ngiti. "Ngumiti ka rin, Myles. Hihi panigurado iyan ang ngiting hinihintay ni Ryu" ngumiti si Myles ng may malungkot nanamang mga ngiti na parang sinasabi na kailangan niyang ngumiti parang nagsasabi na kailangan niyang ngumiti para sa ikangingiti rin ni Ryu.
"Ah, mukang kailangan mo palang magsuot ng cloak paglabas natin dito para magclear ng floor dahil panigurado kakatakutan ka ng mga ibang Frontliners" sabi ko at tumango siya.
Tumayo si Lio "Okay mas mabuting magpahinga na tayo, hihi. Mauuna na ako" at tumakbo na siya papunta sa kwarto niya na parang bata.
"Hindi mo aakalain na sa batang katawan niya, sobrang daming Mahika ang nasa katawan niya"
Tumayo siya at naglakad pero tumigil siya ng magsalita ako "Myles, bakit si Lio ang napili mo? Sa dami dami ng Ranking Wizard bakit siya?"
"Dahil ng magsimula ang larong 'to, siya lang ang may kakayahan at .... karapatan na tapusin 'to" sagot niya kahit nakatalikod.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Blood" simpleng sagot niya at naglakad na siya ulit "Magpapahinga na ko. Magpahinga ka na rin"
Tumayo narin ako pero hindi ako dumiretso sa kwarto ko kung hindi sa labas ng bahay. Tinignan ko ang langit na nagkakaroon ng liwanag dahil sa mga bituwin.
Hindi ito ang totoong mundo namin pero .. mukang nasanay na kami pero kahit na ganun, gusto pa rin naming makalaya dito sa pekeng mundo na kinatatayuan namin.
Lio's POV
May isang babaeng nakaupo hindi kalayuan mula sa'kin. Habang papalapit ako ng papalapit nagiging malinaw sa paningin ko ang kakaibang ngiti sa mga labi niya.
"Lagi kong hinihintay ang pagdating mo, Vei"
Tumakbo ako ng marinig ko ang kakaibang pagtawag niya sa'kin. Isang tao lang ang tumatawag sa'kin ng Vei, siya lang .. siya lang "I-ikaw ba talaga 'yan?!"
"Ako nga, Vei" at tumayo siya at sinalubong ako "Alam mo bang matagal ko ng hinihintay na dumating ang araw na 'to? Sana sa huli ikaw ang makalaban ko. Sana sa huli .... ikaw ang makatalo sa'kin" may malulungkot na ngiting sabi niya.
Tumingin siya sa'kin sa mga mata "Maghihintay ako sayo, Vei" nagising ako sa pagkasabi niyang 'yon.
Seryoso akong tumingin sa kisame at lumingon sa kanan ko kung saan ko nakita ang orasan. 3 am palang. Umupo ako at huminga ng malalim atsaka tumayo para maglakad papunta sa kusina kung saan ko naman nakita si Rius na nagtitimpla ng kape.
"Bat maaga ka?" Tanong niya.
"Naalimpungatan lang ako dahil sa panaginip ko. Ikaw maaga ka na? Hihi di ka makatulog dahil sa sobrang excited no?"
"Sinong excited mamatay?" At inabot niya sa'kin ang isang baso ng kape na kinuha ko naman "Thanks. Haaaay, nakakaantok. Mabuti pa tigilan mo nang magkape bumalik ka na sa kwarto mo. Hihi maaga pa tayo mamaya" at naglakad na ako pabalik sa kwarto ko habang bitbit ang kape ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko nilapag ko sa side table 'yung kape at tinignan ko ang mga palad ko.
Simula nung araw na 'yon, isang beses ko nalang ulit natawag ang Void sariling Void ko habang ang RW Void ko naman .. katulad din nito. Pero nagawa ko lang 'yon dahil sa sobrang galit ko. Nailalabas ko ang mahika ko sa mga panahong matindi ang galit na nararamdaman ko.
Huminga ako ng malalim at pumikit "Ákyro tou Chrónou (Void's Of Time)" dinilat ko ang mata ko at nakita kong dahan-dahang lumitaw sa kamay ko ang isang Lance pero ang init sa paligid ko at pinagpapawisan ako. Ang hirap huminga ... habang nakikita ko ang Lance sa harap ko naalala ko ang mga nangyari .. tumatakbo lahat sa utak ko. Nakikita ko siya .. dahan dahan siyang naglalakad papalayo sa'kin.
H-hindi .. w-wag kang umalis! W-wag mo kong iwan! W-wag kang umalis sa tabi ko! Please!
Nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko. Nararamdaman ko ang pawis na tumutulo sa katawan ko. Nagising ako sa katotohanan ng maglaho ang Lance sa kamay ko. Kahit na nawala na ang Lance sa kamay ko nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko at napaupo nalang ako sa lapag dahil sa sobrang lambot.
Hindi ko na ba magagamit ang buong lakas ko kung hindi ako nakakaramdam ng galit? Bakit kailangang maramdaman ko muna 'yon bago ako magkaroon ng lakas?
Flashback
"H'wag kang maging duwag" ang sabi niya sa'kin habang nakatingin kami sa mga Ranking Wizard na naglalaban "Gusto ko balang araw ikaw na ang nakatayo sa gitna ng Arena na 'yan. Magsisimula ka sa mababang stage papunta sa napakataas na stage" dugtong niya.
"P-pero Eli, bakit? Hindi ba pangarap mo ang makasama sa Ranking Wizard?" Tanong ko naman.
"Oo, pero mas pangarap ko ang makita kang malakas. Simula bata tayo kailangan mo ng proteksyon. Hindi sa lahat ng oras kasama mo kami" at ngumiti siya sa'kin.
May kinuha siya sa likod niya at isa itong Dagger. Kung titignan para itong simpleng Dagger pero nakakaramdam ako ng Mahika na nagmumula dito "Ito ang Dagger ni Papa nung unang beses siyang maging isang Wizard. 'Yan ang sandatang gamit niya nung mga panahong hindi niya pa magamit ng maayos ang Void niya. Sa oras na makapasok ka sa Rank 10, ibibigay ko sa'yo to para magkaroon ka ng lakas para lumaban" nakangiting sagot niya.
Tumango ako ng may napakalaking ngiti sa kanya at may nilabas siyang espada "Ano? Magpractice muna tayo bago 'yon? Kapag nag-improve ang paggamit mo ng Void mo papayag ako na magkipag spar sa'yo gamit ang Void ko"
"Talaga?!" Masayang tanong ko sa kanya at tumango siya.
End Of Flashback
Pero hindi dumating ang araw na 'yon dahil sa paglusob ng Lernaean Hydra, malaking ahas ito na maraming ulo at sa oras na putulin mo ang ulo nito ... mas lalo pa itong dumadami. At kaya nitong kontrolin ang tubig ... tubig na nagpalunod sa kalahating mundo ng EnCharmzia. Ito ang reason kung bakit namatay sila, namatay sila Eli na pinrotektahan ako.
Hindi ko na napansin ang mga luha ko habang inaalala ko ang mga nangyari sa nakaraan.
"Eli, kaya ko ba talagang lumaban ngayong wala akong lakas?" Tanong ko sa sarili ko na parang may sasagot. Pero hindi ko inaasahan ang isang boses "Wala ka ngang lakas sa ngayon pero balang araw babalik ang lakas mo. At bago dumating ang panahon na 'yon, kasama mo kaming lalaban. Hindi ka mag-isa" nilingon ko si Rius na nasa harap ko habang hawak ang Dagger ko. May mga ngiti siyang may bakas ng pag-alala.
Kinuha ko 'yon at kasabay nito ang lalong pagtulo ng luha ko kahit na may ngiti sa mga labi ko. "Salamat"
Eli, this time sisiguraduhin ko na poprotektahan ko sila.
To be continue ...