CHAPTER 02

1555 Words
"N-nanaginip lang ba ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang pinagmamasdan ko ang paunti-unting pagkawasak ng kalangitan. "Gusto mo bang sampalin kita ng malaman mo? Hihi" biro ni Lio na may napakalaking ngiti. "Oy Lio, pamilyar ang Enchantment mo. Anong Mahika ang gamit mo?" Pagtataka ni Ryu. Ngumisi lang si Lio sa kanya at nagpeace sign. "Speed Type Magic, hihi. So ngayon may natuklasan na tayo. Sa tingin ko sa tuwing magaganap ang Red Moon labasan 'yon ng mga halimaw sa paligid. Maghanap tayo ng lugar kung saan makakakuha pa tayo ng ilang details" at nagsimula na ulit siyang maglakad na kala mo ay isang batang naglalakad sa gilid ng dagat. Naglakad lakad kami hanggang sa mapadpad kami sa isang town na sa tingin din namin ay isang Safe Zone. Naglakad lakad kami sa buong lugar hanggang sa nakarating kami sa napakalaking building na may ngalan na Town Library. Napukaw non ang attention namin kaya pumasok kami. Sa loob, milyong milyong libro ang bumungad sa'min. Ang daming shelf pero hindi ganun kadami ang mga tao. "Maghiwa-hiwalay tayo. Maghanap tayo ng mga librong makakatulong sa'tin" sabi ni Lio at naglakad na siya. Walang pasabi ring umalis si Ryu kaya ako naglakad narin. Naghanap, naghanap, naghanap ... sa ilang minutong lumipas sa paghahanap ko ay isang libro ang nakita ko. Ang tittle cover ng book ay Monsters List From Hell. Nakakangilabot kaya naman naglakad na ako kaagad papunta sa isang table dahil panigurado naghahanap parin ang dalawang 'yon. Bawat pahina ng libro tinitignan ko ang mga picture na nakaattach duon at kung anong klaseng halimaw sila. Nabigla naman ako ng may ilapag na isang napakalaking mapa si Lio na halos sakupin na ang buong table "Ito ang mapa ng buong mundo ng bagong EnCharmzia" Sumunod namang lumitaw mula sa gilid niya si Ryu at umupo sa harap ko. "Nakakita naman ako ng book about sa Red Moon o ang tinatawag na b****y Moon. Isa itong sphere na bumabalot sa mundo natin para maging lakas ng mga Halimaw. Dahil ang dilaw na sikat ng araw ng buwan ang kahinaan ng mga Halimaw. Walang pinipiling panahon o oras ang b****y Moon, dahil nagaganap ito sa oras na gustong lumusob ng mga Halimaw sa mundo natin. Pero hindi ito nangyayari sa loob ng Dungeon. So bali dalawa ang sphere na bumabalot ngayon sa totoong mundo ng EnCharmzia kapag nangyayari ang b****y Moon. Hindi kaya natin mawasak 'yon katulad ng pagwasak natin sa b****y Moon?" "Si Eliza ang pinag-uusapan natin dito. Ibahin natin ang Sphere na ginawa niya sa b****y Moon. Panigurado, imposible nating magagawa 'yon. So ikaw Rius, ano ang nahanap mo?" nakangiting tanong ni Lio. "Tungkol sa mga Halimaw. Ang umataki sa'tin kanina ay ang mga Fomorian. May mahahaba silang mga espada at nakakalasong sungay. Mabibilis silang gumalaw sa kabila ng bigat at laki ng kawatan nila dahil sa lakas nila. At hindi lang 'yon, marami pang uri ng halimaw ang maari nating makaharap" "Hiramin na'tin 'yan dito sa library, kaso .. walang librarian kaya kukunin nalang natin hihi" sabi ni Lio. "Seryoso ka ba .. " bulong ko naman. "So, about naman sa nahanap ko. Nandito tayo ngayon sa Wizard Shelter which is safe zone din. Sa kaunting paglalakbay natin papuntang east, may madadaanan tayong isang maliit na Town at kaunting lakad pa duon natin matatagpuan ang Dungeon. Kailangan din natin nito kaya isasama natin 'to sa paglalakbay natin" "Ang ibig mong sabihin Lio hindi natin kailangan nitong librong nahanap ko?" Mababang tono ng boses namang tanong ni Ryu. "Hehe, k-kailangan naman natin kaso .. nalaman narin naman natin ang tungkol sa b****y Moon kaya okay ng magbawas tayo ng pabigat, hihi" Tumayo siya "Pabigat lang pala ang librong nakuha ko ... " mahinang bulong niya habang naglalakad para ibalik sa shelf ang book. "Hindi mo naman kailangan na pagsabihan ng ganun 'yung tao" "Hihi, mas mabuti na 'yung diretsahan kaysa makipagplastikan" niroll niya na ulit 'yung map at nilagay sa bag sa likod niya. Nagulat naman ako ng kunin niya sa table ko 'yung book. "Babasahin ko 'to habang nasa isang adventure tayo, hihi. Ah! Nakalimutan kong sabihin sa inyo, may Gem Magic na maaring magamit ng lahat ng Wizard for Healing mabibili natin 'to sa Jstore na matatagpuan sa MiniTown na madadaanan natin" "Mas ayos pala. Pero, ang baduy ng MiniTown ah? Wala bang ibang pangalan?" Tanong ko. "Wala ngang pangalan na nakalagay sa Map dahil parang part siya ng Wizard Shelter at inurong lang, hihi so pano Let's the Adventure Begin!" Masaya niyang sabi kaya kaagad kong tinakpan ang ibig niya "Sssssh! Nasa library tayo ano ka ba" "Ooops! Sorry sorry. Let the adventure begin ...... !" Pabulong pero masaya niya paring sabi. At nagsisimula na nga ang adventure namin.  Lio's Pov Sa paglakad lakad namin halos napansin namin na kung anong ikinalawak ng totoong EnCharmzia, ganun din kalawak ang EnCharmzia'ng nilikha ni Eliza. "Balak niyo bang magclear ng Floor?" Tanong ni Ryu. "Yup, kaysa namang tumunganga tayo sa Safe Zone. Halos lahat ng tao ngayon dito sa EnCharmzia naging duwag kaya halos lahat sila tumigil lumaban. May ilan namang naging matapang dahil alam nila ... may kasama silang malalakas--" putol sa'kin ni Rius. "Ang mga Ranking Wizard" "Yup!" Masayang sagot ko naman. "Dalawa ang Void ng mga Ranking Wizard, which is nagiging unfair para sa ibang ordinary. Pero tanda maman ng lakas nila 'yon kaya hindi na nila kasalanan 'yon" singit naman ni Ryu. "Bubuo tayo ng party with 3 members. Sapat na ang 3 members, hihi. Pero since hindi pa natin alam ang Enchantment para duon ay stay muna tayo sa ganito hihi" sabi ko naman. "Bakit 3 members lang?" Tanong ni Rius. "Mahirap magtiwala sa napakaraming members. In the end, magkakapatayan 'yan para sa isang trono ... para maging isang Hero at tingalain ng lahat ng tao, hihi pero sa tingin ko, napaka-imposible para sa isang tao ang kalabanin si Eliza" nakangiti at napapatawa kong sabi. "Suicide ang tawag don" bulong ni Rius. "Yup! May point ka naman. So nandito na tayo sa MiniTown. Kailangan nating bumili ng mga Gem para mabuhay ng matagal" sabi ko at huminto kami sa harap ng isang village at sabay na kaming pumasok duon. Hindi katulad ng mga Village na napuntahan namin .. ang Village na 'to ay sobrang daming tao. Naglakad lakad kami hanggang sa makarating kami sa isang shop na Jstore at pumasok din kami kaagad. Winelcome kami ng isang matanda na nasa counter. "Kailangan niyo po ba ng Gem?" Lumapit ako sa kanya habang ang dalawa naman ay busy sa pagtitingin nila sa mga Gem na nakadisplay sa paligid. "Yup! Kailangan po namin ng Gem. Magkano po ba ang isa?" Tanong ko naman. "1000 Gold po" halos mahulog ako sa mundong kinatatayuan ko sa sobrang mahal ng presyo pero ang liit lang naman! Nasa 1 inch lang to eh! Humarap ako sa dalawang sobrang lalaki ng mga ngiti dahil sa mga Gem na nakikita nila "Oy~ magkano ang pera niyo diyan?" "Naiwan ko sa totoong EnCharmzia ang mga pera ko kaya walang wala ako ngayon" sagot ni Rius. Tinignan ko naman si Ryu at nakangisi na siya "Katulad ni Rius nasa totoong EnCharmzia ang pera ko so we leave it to you!" "Leave it to me? Eh wala rin akong pera! So paano tayo mabubuhay?! Huhuhu" "Mga Wizard, mas malaki ang perang makukuha niyo sa paglilinis ng mga floor kumpara sa kikitain niyo sa mga bayan" sabi ni Manong kaya natuon ang tingin namin sa kanya. "Hayaan niyong ibigay ko muna 'to sa inyo bilang bagong Fronliners Wizard" dugtong niya na nagpabuo ng mga ngiti ko sa labi ko. "Seryoso po ba kayo? Woaaah! Salamat po, Manong! Hihi!" Sabi ko ng iabot na sa'kin ang Gem at naglaho ito ng mapunta sa mga kamay ko kaya nagtaka kaming tatlo. "Maging isang Party kayo para magamit ng buong grupo ang Gem. Therapeftís polýtimos líthos (Healer Gem Stone) ang banggitin niyo at lilitaw sa mga kamay ng Enchanter ang Gem Stone. At therapévo (Heal)  naman para magamit mo ito sa paggamot ng mga sugat niyo" "Salamat po talaga, hihi. Hayaan niyo po Manong kapag nakapag-ipon na po kami ng pera babalik po kami dito para magbayad, hihi" sabi ko. "Pero Manong, paano po ba maging isang party?" Tanong ni Ryu. "Enchantment, mahaba habang Enchantment ang kailangan niyo. Ito .. " at inabot niya sa'min ang isang piraso ng papel na may napakahabang nakasulat na napakahabang enchantment. "Maraming salamat po talaga, Manong. Mauuna narin po kami bago pa man po sumapit ang gabi" nakangiting sabi ko. "Osige, mag-iingat kayo. Paalala lang mga Wizard, ang Dungeon na balak niyong pasukin ay walang pinto pabalik. Floor 17 ang pinakamababang Floor na ligtas pero nakapakahirap abutin. Mag-iingat kayo" medyo nabigla naman ako sa sinabi ni Manong pero kaagad akong nagpakita ng isang ngiti at binatak na ang dalawang parang nabalot na ng takot "Salamat po ulit! Babye po!" At ngiti lang ang natanggap namin bago kami tuluyang makalabas ng shop. Hinarap ko ang dalawang Wizard na mistulang napakalalim ng iniisip "K-Kaya ba nating mabuhay sa Dungeon?" Tanong ni Ryu. "H-hindi ba mas magandang hayaan nalang natin sa mga Ranking Wizard ang pagkiclear ng mga Floor? Kahit hindi tayo ang italagang Hero ... ang mahalaga ay buhay tayo" nangangambang sabi naman ni Rius. Tumalikod ako sa kanila "Hindi pa natin kabisado ang bagong mundo natin. Hindi natin alam kung hanggang kailan mananatiling Safe Zone ang mga Town. Kung ayaw niyong sumama sa'kin para maging isang Frontliners okay lang, naiintindihan ko. Pero ako hindi na magbabago ang isip ko. Mas gusto kong mamatay ng may ginawa ako. Ang mahalaga sinubukan ko. Therapeftís polýtimos líthos (Healer Gem Stone)" lumitaw sa palad ko ang Gem Stone at inabot ko kay Rius na ngayon ay nagtataka. "Gamitin niyo 'yan just incase may ma-encounter kayo. Salamat" at ngumuti ako bago ako nagsimulang maglakad palayo. "Lio! Oy! H'wag ka ng tumuloy!" Sigaw ni Rius pero nakapagdesisyon na ako. "Sorry! Kailangan kong tapusin ang nasimulan ko! Bye bye!" At kumaway kaway ako sa kanila ng may ngiti.  To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD