CHAPTER TWENTY-EIGHT Year 2021 MASAKIT ANG ULO ni Tim nang magising ito kinabukasan pagkatapos nila mag-inuman. It was him who got up first. Kahit kasi siya ang pinaka maraming nainom sa kanilang apat ay mas sanay na rin kasi ito sa inuman. Hindi na rin inabala ni Tim si Manang at Manong dahil sila ang nag-asikaso sa kanilang apat nang malasing sila kagabi. Nagpasya si Tim na magluto na lang ng lugaw para sa kaniyang mga kaibigan para kahit papaano ay mainitan agad ang sikmura ng mga ito kapag nagising na sila. Habang nagluluto si Tim ay napansin niya na bumaba si Kirsten at nagtungo ito sa kitchen. “Uy, Tim. Ang aga mo naman nagising.” Kirsten said as soon as she reached the kitchen. She sat on the chair near the countertop while looking at Tim who’s clearly cook

