Ibinaba ni Evelyn ang kaniyang sunglasses nang pumarada ang kaniyang sasakyan sa harap ng presinto. At kagaya nga nang inaasahan ay napakaraming tao roon na naghihintay. Mga media na nais makuhaan ang statement ni Raul at ng sino mang bahagi ng pamilya na magpupunta ngayon upang dalawin ito. Inihanda na niya ang kaniyang sarili, na harapin ang media at si Raul na ngayon ay nakakulong. Nag-ayos siya upang mag-mukhang presentable sa harapan ng mga camera. At sa sandali nga na buksan ng kaniyang driver ang pinto ng sasakyan at bumaba siya roon ay pinagkumpulan siya agad ng mga reporters. Halos sumilaw sa kaniya ang ilaw ng mga flash, at mawala ang kaniyang dadaanan papasok sa presinto dahil lahat ay nasa harapan niya, nais na malaman ang panig niya. "Mrs. Montemayor, totoo po ba na ang as

