"Ano? magsasalita ka ba diyan o ano? hello? Cecil?" tanong pa ni Evelyn kay Cecil na natuod sa harap niya. "Ma'am ano po kasi--" hindi na natuloy ni Cecil ang kaniyang sasabihin ng biglang lumapit si Manang Salve at hinawakan siya. Kaya napunta ang pansin ni Evelyn kay Salve. "Pagpasensyahan niyo na po si Cecil, kulang lang po ito sa tulog." dahilan ni Salve at napatango naman si Cecil. "Oo Ma'am, hehe pasensya na po puyat lang po talaga kaya nag-stock up na naman ang utak ko. Hehe nanuod po kasi ako ng Telenovela kagabi eh. Pasensya na po." dagdag ni Cecil kaya napailing si Evelyn. "So kasalanan ko pa talaga kung na-stuck up iyang utak mo?" napa-irap na sabi ni Evelyn sa kanila. "Wala naman pumipigil sa inyo na mag-puyat kaka-aksaya ng oras niyo kakapanuod ng mga walang kwentang pa

