"So paano ba 'yan? see you when I see you. Mukhang matagal mo na ako makikita ulit?" sambit ni Nathalie kay Fin nang ihatid siya nito. Napatingin si Fin sa mga gamit ni Nathalie na naka-impake. "Talagang aalis ka na ng Barrio Doro?" Tumango si Nathalie. "Oo naman, sabi mo magsimula ako ulit diba? hindi ako makakapag-simula ulit kung mananatili ako sa bulok na islang ito." sagot niya pa kay Fin. "So, saan ka pupunta niyan?" "Sa maynila siguro, doon na ako mag-popokpok." biro ni Nathalie kaya sinamaan siya ng tingin ni Fin. "Parang babawiin ko na lang ang pera ha?" Napahalakhak si Nathalie pagkatapos ay hinampas ang balikat ni Fin. "Gago, sa tingin mo ba mag-popokpok ako ulit? marami na akong pera ano? mag-iibang bansa ako, magbi-business, o kaya mag-tatrabaho. Kung saan hindi ko pa

