Zyair's POV -5 months later- Tumunog na ang alarm clock ko sa bed side table ko. Hindi pa nakamulat ang mata ko nakangiti na kaagad ako. Nag push up muna ako ng mga sampu bago ko binuksan ang bintana ko. Ang bintana kong matagal din na hindi ko nabuksan. Siguro mga ilang buwan din. Pero ngayon, sa tuwing nandito ako sa loob ng kwarto ko palagi ko na itong bubuksan. Paano ba naman, kasama ko sa kwartong ang ayaw na naka sira ang bintana at yung babaeng pinakamamahal ko. Kahapon ng umaga lang, parang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko since nag away kami ni Ky pero bago kami natulog ay nag kaayos din kami agad. Ngayon, ang gaan-gaan na. Ang sarap sa pakiramdam. Para bang, lagi kang inspired. "Good morning." Saad ni Kyronia at hinalikan ako sa cheeks. "Good morning din." Ang babaeng h

