Zaelie’s POV TATLONG beses na kumatok si Melanie at hindi nya mabilang kung ilang beses ba syang bumuntong hininga sa ilang minuto nilang naroroon sa labas ng pintong iyon. Binuksan na ni Melanie ang pinto at nauna na itong pumasok, bago sya sumunod dito ay huminga muna sya ng sobrang lalim bago sya pumasok. Kinakabahan man ay hindi nya maiwasang pagmasdan ang malaki nitong opisina. Malaki at malinis, nakalagay din doon ang mga trophy and certificates sa mga achievements nila. "Girl, nandito na si Miss Melissandre." Sabi ni Melanie. Girl? Friends ba sila ng CEO? Pagtataka nya dahil walang bakas ng paggalang ang pananalita nito, na parang ordinaryong tao lang ang kausap. Hinihintay nyang magalit ang CEO pero nanatili itong tahimik at hindi nya rin makita ang itsura nito dahil hanggang

