Kabanata 1

3523 Words
I woke up the next day with a heavy heeadache. Ugh f*****g tequila! Tumulala muna ako saglit at tumayo para maligo. Lagot nanaman ako kay nanay kase di nanaman ako nakakain ng almusal pati tanghalian. Bumangon ako at dumiretso na sa banyo. Paglabas ko ay nagbihis ako at nagpaalam na may bibilhin saglit sa mall. Pumunta akong National Book Store para bumili ng panibagong mga ballpen at highlighters pati narin sticky notes at isa pa ulit na binder. Sa sobrang dami kong kinakabisa at binabasa, ay nagsusulat ako ng notes para matandaan ko ito o pwede kong mabalikan kung makalimutan ko man. After ko bumili ay nagpasya akong maglakad lakad muna at naisipang kumain. After non ay pumunta ako sa Watsons para bumili ng wax at toner ko kase paubos na. s**t ang gastos magpaganda, di pa sure kung gumaganda talaga tsk. Tapos bumili na rin ako ng Twix, KitKat Toblerone, at Kisses para sa stash ko sa kwarto, pakatakaw Mari ha! After mabili lahat ng kailangan ko dumaan muna ko sa Gongcha at bumili ng 3 milktea. Isa sakin, kay nanay tapos kay ate. Usually inoorder nila is Chocolate habang ako ay Okinawa or Brown Sugar. After ko bumili lumabas na ako at tatawid na sana pasakayan ng jeep ng may bumungo sakin na lalaki. Bwisit naman oh! Ano ba meron sakin bat lagi nyo kong binubungo! Ugh kairita! Nilingon ko yung lalaking bumungo sakin tapos naamoy ko sya. Baho ha! Medyo may putok sya for today's video. Maliban sa naamoy ko nakita kong may hawak syang hand bag. Ay ano to babaihan? Ano baklang kanal? Chariz. Di pa nakakatayo yung lalaki nang may humahangos na babae na humabol. Patayo na sana tong lalaki ng tinulak ko ulit sya pahiga at hilahin ang handbag sa kamay nya. Snatcher pala ang hayop na to. Nagulat sya sa ginawa ko aagawin nya sana kaso hinampas ko sa kanya yung bag na kinuha ko. Tas tinawag ko si manong guard. "Kuya Guard, nanghaharass po to oh, inaagaw yung bag sakin." So bago pa makalapit si manong guard tumakbo paalis yung lalaking may putok. Tapos lumapit sakin yung babaeng hinuha ko ay may ari ng handbag. Tinitigan ko sya. Ang shala. Sosyalin. Malamang nga kanya to. Inabot ko yung bag at nakita Hermes yung bag nya. Sossy nga. " Eto po yung bag nyo, Maam." sabi ko. Nagulat ako ng niyakap nya ko tapos naiyak sya kase first time nya raw naranasan yon sa tuwing umuuwi sya sa pilipinas. "Oh god hija, thank you so much. I don't know what I'll do if I didn't get my bag back!" humahangos na sabi nya. "No problem po." sabi ko. Nginitian ko sya at nagpaalam ako na mauuna na pero pinigilan nya ko at inayang kumain. Sinabi ko na kakakain ko lang pero nagpilit syang samahan ko nalang sya sa loob ng mall. Since mag isa lang sya at humihikbi hikbi pa nung tinignan ko kaya hinayaan ko nalang kahit masakit na paa ko kakaikot kanina sa mall. "Thank you again Mari for taking my bag back ha! You're so brave and very beautiful!" sabi ni Miss Roanna. Sus nangbola pa. Eh sya nga tong 50+ na pero nuknukan ng ganda. "No worries po, Maam!" balik sagot ko. "Oh please don't call me Ma'am. You can call me Tita or if you want Mommy since I always dream to have a daughter like you." sabi nya pa "Uhm siguro po tita will do" nahihiya kong sabi. "I really like you Mari, you are so beautiful and smart. I was thinking kanina pa na my son and you will look good together hihi." sabi ni Tita Roanna. I awkwardly laughed. "Haha talaga po." sabi ko "Yes! I hope you can meet him and be close to him tapos you can be his girlfriend and then wife then you can be my real daughter if that happens. I'm so excited!" she happily said. Seriously? Medyo may ontong ba tong si Tita Roanna? Ngayon palang ako nakita gusto agad akong ibigay sa anak nya. Dahil di ko na alam ang isasagot tumawa nalang ako. After naming mag ikot nagpasya na kaming umuwi. Hinatid ako ni tita hanggang kanto ng bahay namin. Kinuha nya yung number ko at social media accounts ko para daw maging mutuals kami. Techy yarnch? Tapos etong si tita kanina habang nakaupo kami sa isang coffee shop sa loob ng mall nakita na basag yung babang part ng iPhone ko. And she insisted na ibili ako. Sabi ko naman na walang kinalaman yung nangyari kanina at may spare phone ako but still she insisted. So she bought me the latest iPhone 13 Pro Max. s**t! Ilang beses kong tinanggihan pero ayaw nyang pumayag. Sabi nya pa na babasagin nya yung binili nya kapag di ko tinaggap so kinuha ko na. Choosy pa ba ko? After namin bumili ng phone ginawa nya kong manika at binihisan ng ibat ibang damit. Jusko pagod na pagod ako. Lahat ata ng Boutique na pinasok namin pinagsukat at binilhan nya ko ng damit. Inawat ko na sya at sinabing kailangan ko nang umuwi dahil napapagod na ko. Buti nalang napapayag ko sya. Pero bago ako bumaba ng sasakyan nya sinabi nyang may dinner sila sa Sunday at gusto nya kong isama. Tatawagan nya daw ako at ipapaalala sakin yon. Tinanguan ko nalang at naisipang gagawa nalang ako ng paraan para tanggihan nalang yon pag dumating na. Nagulat pa sila nanay sa mga dala dala ko. Sinabi ko ang nangyari pati narin yung alok na magdinner sa Sunday. Sinabi ko kay nanay na di ako pupunta pero sinabihan nya ko na paunlakan nalang bilang paggalang sa invitation ni Tita Roanna at para magpasalamat ulit sa mga binigay nito. Pinagisipan ko ang sinabi ni nanay hanggang sa makatulugan ko ito. Kinabukasan, araw ng Biyernes nang may tumawag sakin. Sinagot ko yon out of curiosity. Si Tita Roanna pala. Pinaalala nya sakin yung dinner sa Sunday at sinabing yunh inaanak nya na malapit sa lugar namin ang susundo saakin. Nang maglinggo aligaga ako kung ano ang susuotin ko. Sabi kase ni Tita Roanna na mag semi formal ako para sa dinner. Saan kaya yon. s**t naman. Need pa bang magheels? Oh my gosh kinakabahan naman ako. Kala mo aattend mg JS Prom. Nagulat ako ng may unknown number ang magtext sakin . "Hi! Ready ka na ba? Ako pala yung pinapasundo sayo ni Tita Ninang. Btw, I'm Jimmuel." Nahihiyang nagreply ako dun sa unknown number. "Hi! Sorry sige lalabas na ko jan sa kanto. Pasensya na sa paghihintay." Tiningan ko muna ang sarili ko sa salamin. Naka baby blue fitted puffsleeve dress ako at brown single strap square heels. Kinuha ko na ang chained sling bag ko at lumabas na ng kwarto. Nag tricycle ako papuntang kanto kase naiilang ako maglakad dito ng nakaheels. Pagdating ko nag aantay ang matangkad na lalaking naka polong navy blue at bukas yung tatlong butones. Nginitian nya ko " Hi! Mari diba? Tara na hinihintay ka na ni Tita Ninang." Tumango nalang ako bilang sagot. Kinakausap ako ni Jimmuel, at pinapagaan ang loob ko sabi nya kase halatang kabado daw ako. " Wag kang kabahan mababait naman yon mga yon. Mageenjoy ka, lalo si ate Candy excited na makilala ka kase naikwento ka na ni Tita Ninang saamin." "Lalo lang akong kinabahan sa sinabi mo Jimmuel!" Tinawanan nya ko at sinabing magchill lang kase medjo malayo layo. Kaya pala alas singko palang pinasundo na ko. Lumipas ang higit 45 minutes nang makarating kami. Nalula ako sa laki ng bahay nila. Di lang pala basta bahay, mansyon pala. Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas na ng kotse ni Jimmuel. Sabay kami naglakad papasok ng malaking double doors. Pagpasok namin sa loob ay sumigaw si Jimmuel. "Tita Ninang nandito na po kami." Biglang nagtatakbo palabas ng tingin ko ay dining hall nila. Sinalubong ako ng yakap at hinalikan sa magkabilang pisngi ni Tita Roanna. "Oh my gosh! I missed you, Mari! Sobra kong hinintay tong dinner na to para makita ka ulit!" "I missed you too, Tita. Thank you for having me here po." sagot ko. Nagulat ako ng may biglang humila sakin ng yakap at sabay na nagtitili. " Yay! Finally! I met you! Tita Roanna talks a lot about you! You are indeed beautiful! I'm so excited to finally have you as family! Btw, I am your ate Candy, I am the eldest of all my cousins and the only girl. So I really want to have a little sister like you. My younger brother has a wife na but still kulang parin kase dalawa lang kaming girls above all this guys here so having you here would be great!" mahabang lintaya nya. Nginitian ko sya at nagthank you nalang kase di ko alam sasabihin ko. Grabe naman kase reactions nila eh kala mo aampunin nila ko. Totoo nga sinabi ni Jimmuel, sobrang babait nila kahit mayayaman. Pumunta na kami sa dinning hall at umupo na. Katabi ko si ate Candy samantalang sa kabila ko ay bakante. Akala ko dito uupo si Jimmuel kase higit sa lahat sya ang pinaclose ko sa mga boys. Kase naman itong si ate Erica syempre tumabi sa asawa nya. Siguro napansin ni ate Candy yung confusion ko na bakit walang umuupo sa kabilang side ko kaya bumulong sya. "Si Gideon kase ang nakapwesto jan. He's still in his office yata or on the way na dito." Tumango nalang ako at pinagsawalang bahala iyon. Nagsimula na ang dinner ng magtanong si Jimmuel. "Tita Ninang si Gid po?" "He's on his way na raw eh, baka na traffic lang yon." "Oh he's here na pala eh, come on son sit with us!" sabi ni Tito Valerio, ang asawa ni Tita Roanna. Nagpunas ako ng labi at napaangat ng tingin sa dumating. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino yon. Di na ko nagulat ng makita ko syang nakatitig nang masungit sakin. Ayan nanaman nagsusuplado nanaman? Agad akong nakaramdam ng iritasyon at pairap na nagiwas tingin. Narinig ko naman syang nag "tssk" nanaman. Mahangin talaga tong lalaking to eh. Naupo yung damuho sa tabi ko at kunwari pa'y umuubo ubo. Papansin yarn? Alam ko naman nakatingin sya sakin ngayon kayo di ako tumitingin kase baka mainis lang ako at matusok ko sya ng tinidor. Nagulat ako ng bigla syang nagsalita at nakaharap sakin "What brought you here? Don't tell me you are the girl my mom was telling us for the past days? She told me that the girl who helped her was kind. But I don't see any kindness in you." Then he smirked. " No worries. I don't want to be kind to you at all." asik ko sabay tingin ng diresto sa mata nya. Napatingin ako kay Kuya Vaughn nang tumawa sya sabay sabing "Burned" at nag apir pa sila ni Jimmuel. Sinimangutan ako nitong epal sa tabi ko sabay "tssk". Kala ata neto di ko sya papatulan kahit anjan parents nya. Duh! Wala naman kase akong sinabing mabait ako sila lang nag conclude non no. Dumating ang main course nang di kami nagpapansinan nung masungit. Nang ihain na ang mga pagkain nagulat pa ko ng pagsandok nya ko ng kanin. "Oy tama na ang dami na neto!" makikipag argumento ko sa kanya. " Madami? Ang konti lang nga nyan." balik sagot nya. "Pag ito di ko naubos ikaw uubos neto ha" irap ko sa kanya. "Yeah sure. Whatever you want." Lumipas ang ilang minuto at di ko nga maubos yung kanin na nilagay nya kaya nagsabi ako sa kanya "Ano na? Di ko na maubos iyo nalang to!" pagsusungit ko habang nakatiklop ang dalawang braso sa harap ng dibdib ko. Napailing si Gideon at kinuha ang plato ko para kunin ang natitirang pagkain doon. "Okay na?" tanong nya. Tumango ako at nanahimik na sa gilid. Alam nilang lahat na may impression na kami nitong bwisit na Gideon na to sa isat isa pero etong si Tita Roanna at Ate Candy ang tanging naglakas loob para magtanong saamin. "So what's the score between you two?" si Ate Candy " I was bothered na baka magkahiyaan kayo. But I never thought na there is something going on between you two" sabay tili ni Tita Roanna "There's nothing between us two po" sagot ko. "Yeah. She's right. The last time I checked she turned her back on me right after I saved her from that lunatic." he hissed. I looked at him and sigh. " Really? You saved me? Yeah right? But after doing that anong sinabi mo? Na I probably get mad at you dahil gusto ko yung company nung manyak na yon? " It was just an empty statement" sagot nya. "You should've let me handle it myself." "Really? Eh mukhang isang bitbit lang sayo non makikidnap ka na non eh" lintaya nya pa. "Oh eh ano naman ngayon? Problema ko na yon tapos umepal ka pa. Niligtas mo nga ko tapos aawayin mo ko pagkatapos." sabi ko sabay irap "Away ba yon? I told you, it's just an empty statement." tugon nya. "Ehem ehem, don't fight na. We understand the both of you. Let's just eat our dessert. Shall we?" suhesyon ni Tita Roanna. Bago pa maserve ang dessert ay nagpaalam na ko sa kanila. Sinabi kong hinahanap na ko at kailangan ko nang umuwi dahil maaga pa rin ang pasok ko. Kinukulit pa ko ni Tita Roanna at Ate Candy na magstay pero di ko na pinaunlakan. Nahiya rin kase ako sa pagtatalo namin kanina nung bwisit na Gideon na yon. Tatayo na dapat si Jimmuel para ihatid ako dahil sya ang kasabay ko kanina pero pinigil sya nung epal at sinabing sya na raw ang maghahatid sakin. "No need Jimmuel. Ako na ang maghahatid" sabay tayo. "Di mo naman alam yon eh, kay Jimmuel nalang ako sasabay tutal sya rin ang kasabay ko kanina." saad ko "Tsaka mamaya iligaw mo lang ako at iwan kung saan saan" bulong ko sa sarili na pakiramdam ko ay narinig ni Gideon kaya ang sama ng titig nya. "Sabay kayong pumunta, Jimmuel?" tanong ni Gideon sa kaibigan "Uhm... O-oo! Oo! Pinakiusap ni Tita Ninang kase magkalapit lang ang bahay namin." si Jimmuel "Really? Magkalapit? Gaano naman kalapit?" patuloy pa ni Gideon "Malayo naman. Magkaibang barangay kami. Mauuna ang sa kanila bago samin. " sagot ni Jimmuel habang nangingisi. "Oo nga pala Mari may dadaanan pa ko, inutos ni Papa sakin bago ako umuwi kaya si Gideon nalang maghahatid sayo pauwi okay lang? Alam nya naman yon eh kase tumatambay sya saamin." dagdag ni Jimmuel. Napatango nalang ako kase wala akong magawa. Ayaw naman nilanh pauwiin ako ng mag isa tsaka di ko rin alam. Nagpaalam na ko kila Tita at sumunod na kay Gideon palabas ng bahay. Nang nakarating kami sa garahe ay tumapat sya sa isang itim na Chevrolet Trailblazer. Taray pangarap kong sasakyan yon ah! Binuksan nya ang shotgun seat at hinintay akong makapasok. Umikot si Gideon sa driver seat at inistart na ang sasakyan. Habang nasa byahe nararamdaman kong palinga linga sya sa gawi ko at paulit ulit na tumitikhim. Nang di nya na napigilan nagsalita na sya. "So? Kayo ni Jimmuel. Sabay kayo kanina papunta sa bahay?" Napatingin ako sa gawi nya at tumingin ulit sa bintana bago sumagot. "Oo." sagot ko. "So close na kayo ni Jimmuel? kapagkuwan ay tanong niya. "Hmm sakto lang, mabait naman si Jimmuel tsaka nakakatawa pa." simpleng sagot ko. "Okay." sagot nya at nanahimik na. Nang matanaw ko ang kanto namin ay nagsabi na kong bababa at sasakay nalang ng tricycle dahil nasa may looban pa kami. "Are you sure? Pwede ko namang ipasok ang sasakyan ko sa looban." sabi nya. "No need na, mahihirapan ka lang magmani obra. Dito nalang ako. Pakibukas nalang nitong pinto." saad ko. "Okay. Next time motor nalang ang gagamitin kong panghatid para maipasok ko talaga hanggang tapat ng bahay niyo." sabi nya pa. Hindi ko nalang inintindi ang sinabi ni Gideon at nagpaalam na sa kanya. Pagsakay ko ng tricycle ay nagulat pa ko ng sumakay din sya. Napatanga ako sa harap nya at hinihintay ang sasabihin nya kung bakit syang sumakay pa sa tricycle. "I just wanna make sure that you'll get home safe." pag eexplain nya sakin. Nanahimik nalang ako at umasa na sana di ako machismis sa looban. Kakainis pa naman mga kapitbahay namin. Puro mga chismosa. Nang makarating sa tapat namin ay magpapaalam na sana ko kay Gideon nang buksan ni nanay ang gate at pinapasok pa ang damuho. Mentras tumanggi aya talagang pumasok pa. "Salamat sa paghatid dito kay Mari, Gideon ha?" sabi ni nanay "Wala po iyon. It's my responsibility to bring her safely here." pacool na sagot nya pa. "Aalukin sana kita na kumain dito kaya lang ay galing na kayo sa kainan. Heto nalang brownies at macaroons. Si Mari ang nagbake nyan. Kumakain ka naman ng matamis ano?" si nanay "Maraming salamat po Nay, di ko po tatannggihan!" sabi pa netong epal na lalaki na to sabay sulyap sa akin. "Naaay! Baka di masarap ang gawa ko nakakahiya pinapamigay mo pa!" pagsingit ko sa usapan nila. "Anong di masarap! Naibebenta ko nga ito sa mga kasamahan ko sa barangay eh! Hala sige Gideon wag mong intindihin itong impakta na to at kunin mo yung tagdalawang tupperware ng macaroons at brownies." saad ni nanay. "Salamat po, Nay." sagot ni Gideon. Wow ha nanay talaga tawag nya, kapal neto. Feeling close yarn? Napapairap nalang ako. Hanggang sa magpaalam na si Gideon na uuwi na. Tinanguan ko sya at aakyat na sana sa taas nang hilahin ako ni nanay at sabihing ihatid si Gideon kahit hanggang labas lang ng gate. Tsk kaya naman na ni Gideon yon eh. Duh! "Mauna na po ako, salamat po ulit dito." pagpapalam ni Gideon kay nanay. "Wala iyon! Magingat ka sa pagmamaneho mo ha! At bumalik ka lang dito kung kailan mo gusto. Magsabi ka rin dito kay Mari kapag nagustuhan mo ang mga binake nya para maigawa ka nya ulit." Hala naman tong si nanay kala ata libre ingredients. Eto namang isa na to umoo pa. Kapag eto nagpagawa ulit sisingilin ko to. Hinatid ko na sya hanggang sakayan ng tricycle sa may kanto lang ng iskinita namin. "Sige na, sumakay ka na. Bye na." maarteng sabi ko "Siguro naman narinig mo ang sinabi ni nanay na pwede akong dumalaw ulit dito at kapag gusto ko nung macaroons at brownies ay ipagbebake mo ko." "Kapal mo ha! Libre ingredients beh? Sisingilin kita kala mo." sabi ko "It's fine. For as long as you would bake for me. Ako nang bahala sa ingredients mo." sagot nya "Ano ka may utusan. Tutal naman may pambili ka naman ng ingredients ikaw narin ang mag bake papagurin mo pa ko." sabi ko "Okay then. Sabihin ko nalang kay nanay na ayaw mo ako ipagbake." sabi nya sabay ngisi. "Bwisit ka talaga eh no! Jan ka na nga!" inis na sabi ko at tatalikod na sana nang bigla nya kong hilahin at halikan sa may noo. "Goodnight." "Goodnight. Mag ingat ka sa pagdrive mo." Nanghihinang sagot ko. s**t bakit parang magjowa kami neto. At bakit ang sweet nya sakin ngayon? "I will. But might as well give me your number and your socials para mainform kita na nakauwi ako ng maayos." sabi nya. Napataas ako ng kilay at tinitigan sya. Pinopormahan ata ako neto eh. Crush siguro ako neto. Chariz! Assuming ka teh! "Ipasabi mo nalang kay Tita may number ako roon." sabi ko. "Bakit si Mama pa ang tatanungin ko eh pwede mo namang ibigay." sabi nya sabay agaw sa cellphone kong nakaunlock. Binuksan nya ang f*******: at hinanap ata ang sariling account doon tapos inaadd nya. Kapal neto parang ako pa nag add sa kanya ah. After nyang iconfirm ang sarili sa f*******: ay nagsend agad sya ng message na "Got it!" saakin sa messenger. Punyemas na lalaking to mapagdesisyon. Di pa sya nakuntento at pati cellphone number ko ay kinuha nya. Kunwari pang naiinis ako sa mga ginagawa nya at binawi pabalik ang cellphone ko. Sinabi ko sa kanya na iboblock ko sya pero syempre charot lang yon. Nagpaalam na kami sa isat isa at bumalik na ko saamin. Pagpanik ko sa kwarto ay dumiretso na ko sa banyo para maligo. Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso ako sa cellphone ko. Nakita ko na may messages doon si Gideon. " Kakauwi ko lang. What are you doing?" " I ate the brownies and the macaroons you made they taste so good. I like it" " By the way, you look stunning tonight." Napangiti ako habang paulit ulit na binabasa ang mga messages nya. Di ko alam kung magrereply ba ko o kikiligin nalang ng paulit ulit habang binabasa ang mga messages nya. Bwisit na lalaki to. Alam ko na bat inis na inis ako sa kanya. Kase gusto ko sya at ayoko ng nararamdaman kong to para sakanya. Masyadong mabilis at malalim. Nakakatakot. Di ko namalayan na habang iniisip ang nararamdaman ko para kay Gideon ay nakatulugan ko na ito at di na nakapag reply. s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD