Unti-unti kong hinubad ang akin damit at napangiwi ng masagi ang akin bagong tattoo sa bandang puson. Napakaganda nito sa aking mga mata. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang tumahimik ng ilang araw ang utak ko kakaisip ng problema ko. Ngayon ay napakangiti na lamang ako at mukhang natakasan ko rin sa wakas si Caleb. ''Ikaw bata ka, kung anu-ano na lamang ang naisipan mo sa buhay mo. Kamusta naman, makati ba at masakit pa ba?'' sabi ni Nanay Pasing na nag-aalala, pero may halong sermon, nakatingin sa akin tattoo. ''Puwede ba, Nanay Pasing. Okay lang ako, at saka, gusto ko lang naman maranasan iyong walang magbabawal sa akin. May ganito pala dito, Fiesta. Ang ganda pag-gabi.'' sagot ko dito at sabay nakangiti. Ang ganda kasi dito pag ''January'' Ang daming rides, talipapa, at kung anu-

