Mapait akong napangiti sa napakaguwapo nitong mukha. Hindi ko akalain na mangyayari ito, hindi ko alam na makakaramdam pa ako ng mas sasakit pa dito. Masisiraan na ako ng ulo sa nakikita ko at nakatingin sa batang nakapikit at nakasuot ng puting barong. Hindi ko naiwasan ang napahagulhol. ‘’P-please… gumising ka… pl-please… hindi ko kaya… please! Utoy! Hindi!’’ tatanggalin ko sana ang nakaharang sa katawan ni Utoy at nasa kabaong na siya at payapang nakahiga doon na ikinapigil naman sa akin ni Caleb. Hindi ‘man sa akin sabihin ni Caleb na sinisisi niya ako ay ramdam ko rin naman ang pag iwas nito na magsalita dahilan sa buntis ako. Nu’ng malaman ko ito ay hindi ko maiwasan ang hindi maapektuhan. Hindi ko naman masisisi ang batang nasa sinapupunan ko dahilan sa biyaya ito, pero bakit may

