Halos gusto kong magdiwang nang makarinig ako ang tunog ng kotse at mabilis ako napatingin sa bintana, napataas ang kilay ko. Pagkakataon ko na siguro, pero tinignan ko muna ang itsura ko at nasusuka ako sa damit ko, tsk. Hindi ako makapaniwalang susuotin ko ang ganitong damit, samantalang mamahalin ang mga ipinapasuot sa akin. Nakaisip ako ng paraan at kumuha ng T-shirts at boxer mag-iinarte pa ba ako, at least, alam kong maganda ako at babagay sa akin ang mga ito. Napangisi na lamang ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Parang dress nasa akin ang t-shirt nito.
''Oh, sweet.'' saad ko nang makita ko ang mga polo ni Caleb. Mukhang mga nakahiwalay ang mga favorite niyang damit at mamahalin talaga dahilan sa mga tatak nitong mapapaluwa ang mga mata mo. Hindi kaya niya ibenta ito, ipalit sa utak niyang saksakan ng suplado at ka-manyakan. Nakita ko ang gunting napangisi na lamang. Very good. Yesenia, very good.
''Kailangan may gift ako sa kanya bago ako umalis sa lugar na ito. Dahil sa isa siyang nilalang para inisin lang. Magiging masaya siya sa ire-regalo ko sa kanya na mula sa puso ko.'' saad ko at pinag-gugunting ang damit ni Caleb at mabilis ang bawat kilos ko at nakita ko ang cellphone nito sa ibabaw ng table room. Kaya't mabilis kong kinuha iyon at inipit ko ‘to sa damit ko. Malaki naman, kaya okay lang ibuhol ang damit.
Napalibot ang mga mata ko sa buong kuwarto. Hindi ko akalain na ipapasok niya ako sa mismong kuwarto niya. Maganda ang mga gamit at talagang masasabi mo na mamahalin ang mga gamit nito, simple lamang ang kulay ng kuwarto nito. Napatingin naman ako sa bintana na ikinangisi ko, bakit hindi ako tumalon doon? Bubuksan ko sana ang binta nang makita kong lock ito. Mukhang pinag-isipan niyang mabuti ah. Napangisi ako at ginala ang akin paningin at Bingo! May nakita ako na pwedeng pang bukas nun. Ano kayang nasa isip niya at iniwan niyang nakikita ng tao.
''Hindi marunong magtago ng susi. Sabagay, nagmamadali siguro ito.'' Agad na buksan ang bintana at tumingin sa babagsakan. Hindi ako puwede dumaan sa pintuan dahilan sa naka-lock ito at sinigurado niya siguro.
Walang tao, clear. Mabilis akong tumalon sa bintana at gawa sa hindi naman gaanong kamataas ito. Agad ako nakatalon at siguro sa haba na din ng legs ko ay hindi na ako madadalawang isip pang tumalon. Akala siguro ng lalaking iyon na takot ako sa matataas na lugar. Napagala ang paningin ko sa paligid at nakita ko na papunta sa akin ang cctv kaya't mabilis ako nagtago sa malapit na puno.
''Muntik na 'yun.'' bulong ko at ngumisi napatingin ako sa bukas na gate at tinignan kong saan naka-focus ang isa pang cctv at napangisi ako mabilis kong binato ang cctv at boom! Natamaan naman ito at umikot sa kabila side. Kaya't mabilis ako lumabas sa gate at nanakbo nang mabilis. Mabilis naman makatakas dahilan sa ilang beses ko na din nagagawa ito sa bahay namin.
''Madali lang tumakas sa bahay na iyon. Ang Caleb na iyon ay ayoko na makita ang mukha niya.'' saad ko nagulat ako sa pagtunog ng cellphone kaya't na tumba ako. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat nakakatakot naman kasi ang tunog ng ringtone ito. At ang pinagtataka ko, bakit umiilaw ang mismong camera nun? Hindi ko na lamang pinansin dahilan sa kailangan ko din naman makatakas.
''Sh*t, na cellphone manang-mana sa amo niyang nakakatakot.'' saad ko hindi ko nakita ang caller, dahil sa pinatay ko na agad 'to. Mamaya ko na lamang tatawagan si Louella, at kailangan ko muna makalayo dito sa lugar na 'to.
Pagod na pagod akong nanakbo sa labas ng bahay ni Louella at mabilis kong dial ang number ito. Pasalamat na lamang talaga ako at mga kabisado ko ang mga cellphone number ng mga 'to. Dahilan sa isalang tatlo lang talaga ang mga naka-save sa cellphone ko. Hindi ko naman nakita ang cellphone ko at mukhang hindi talaga ibibigay ng Caleb iyon.
''Hello, Avvy!'' bungad ni Louella na akala mo naman ay hindi kami nagkita ng ilang taon? pero bakit alam niya natatawag ako? Anyway, nevermind. Hindi ko na kailangan pa iyon isipin dahilan sa kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Kung gugustuhin kong makalaya sa lalaking iyon.
''I'm here, sa labas ng bahay mo. Bilisan mo at papasukin mo ako.'' saad ko dito at ang gag* pinatay agad ang tawag. Tsk! Napakunot na lamang ako ng makita ko itong nanakbong palapit sa akin. Ang dami niyang nakasunod na katulong at mukhang binabantayan na naman siya, siguro’y nalaman ng Daddy niya ang ginawa namin sa bar.
''Avvyyyyy! I miss you so much!'' aniya sa akin nang makalapit at yumakap pa din ito at halos mabuwal ako sa ginawa niya sa akin. Ang payat niya pero ang bigat niya.
''Enough, Louella.'' saad ko dito at bigla 'to sumimangot iyan na naman siya sa pagiging sinto-sinto. Minsan hindi ko talaga malaman ang ugali ng isang ito na parang isip-bata na gusto palagi siyang lalambingin. Pero siya ang pinakamabait sa amin at innosente sa lahat, hindi kagaya nila Amber at Shakira na inilibot na yata ang buong mundo at hindi ko alam kung nasaan na sila ng sulok ng mundo dinala. Kaya si Louella lang ngayon ang malalapitan ko.
''You don't miss me talaga,'' aniya na nagmamataray na naman. Tatampo-tampo pang nalalaman. Hindi talaga sa kanya bagay iyan.
''Okay fine, I miss you too.'' saad ko dito na ikinangiti lamang niya. At yumakap ulit sa akin at hinalikan naman ako nito sa pisngi na ikinangiwi ko na lamang dito. Hindi ko talaga alam kung bakit ko ito naging kaibigan. Napaikot na lamang ang mga mata ko rito at mabilis kong inilayo ang pisngi ko at hinawakan ko ito sa noo at inilayo sa akin.
''Totoo ba? Avvy na ikaw ang hininging kapalit ni Caleb Rhys?'' aniya na nauuna pumasok sa akin na mas ikinasama ng tingin ko. Basta gwapo nangunguna ang tainga niya sa mga ganyan. Nakita ko pa ang mata nito na para bang pinapantasya pa niya si Caleb na ikinangiwi ko na lamang sa kanya. Mamatay kaya siya kapag sinabi kong hinalikan ako ng taong pinapantasya niya? Nevermind.
''So, It’s true ba gwapo?'' aniya naikinahawak ko sa sentido ko, 'tong pasaway na 'to minsan lang topakin, pero talagang naka-kab'wisit ang kadaldalan. Hindi kaya siya isinama ng Mommy niya nung panahon na nagkausuhan ang ikalma lang ang kalooban niya? Masama akong tumingin dito at napansin naman niya na ikina-peace sign pa talaga niya sa akin.
''Tsk. Okay fine, why are you here ba?'' saad nito, pero napatingin ako sa likuran niya na kumunot ang kilay ko ng may isang matangkad na lalaki akong nakita na nakatingin lamang sa amin. Mas napakunot ako nung mapansin ko na nakasuot ito ng pang body guard.
So, may bago na naman siyang body guard? Bakit mukha siyang mayaman at maganda ang kanyang pangangatawan at alam mong batak siya sa gym. Tinaasan ko ito ng kilay pero inisnoban lang niya ako? What the?! Hinahamon ba ako ng lalaking ito?
''Sino ba ang lalaking iyan? Baka kasi hindi ko siya matansya, makatikim sa akin ng sakit iyan.'' saad ko kay Louella na ikinatawa naman nito.
‘’This is my job. Miss,’’ sagot naman nung body guard na ikinataas naman ng kilay ko sa kanya. What the?! Nag-eenglish siya? Maganda ang asset niya na talagang mahahalata mo.
''Ang init ng ulo mo alak, gusto mo? Umalis kana muna dito, Zeke.'' aniya na ikinatingin ko na lamang sa body guard niya na tumingin muna kay Louella bago umalis. May kakaiba akong nararamdaman sa bagong body guard niya. Anyway, nag-aalok din pala 'to ng maganda, pero wala ako sa panahon para mag-inom. Kailangan ko makaalis sa bansa. Kailangan kong makatakas sa lalaking iyon.
''Hindi iyan ang kailangan ko, pera ang kailangan ko ngayon.'' sabi ko dito na ikinatango niya lamang. Bigla na lamang itong nagseryoso at para bang nag iisip siya.
''What's your plan?'' aniya at umupo sa mahabang sofa. Tinitigan niya ang inabot sa kanyang juice at nakita ko naman na inabutan ako ng isang maid na coffee. Hindi ko alam ang mangyayari kung magiging okay din ba ang magiging buhay ng magulang ko, once na malaman nito na tumakas ako sa puder ni Caleb.
''Kailangan kong umalis ng bansa. Nang hindi ako nasusundan ng Caleb na iyon.'' saad ko kay Louella na nakatingin naman 'to sa akin nang maigi at biglang nangasim ang mukha. Hindi ko alam kung para saan iyon.
''You’re insane.'' saad nito sa akin na para bang hindi niya magagawa ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko gaano kilala si Caleb pero sa aura nito ay alam ko na masyadong malakas ang pangalan nito.
Napatingin na lamang ako kay Louella ng napabuntong hininga ito at inilabag sa lamesa na malapit sa kanya ang kanyang juice. Naikinakunot ko naman.
''My Dad is a businessman, right? At marami na kami na business dito sa pinas. Pero nahahanap niya pa din ako Avvy Yesenia, tapos si Caleb na isang kilalang bilyonaryo, may mga negosyo na kinakapitan sa buong daigdig. Yes, buong Asia kapit nito. Akala mo ba'y matatakasan mo agad ang lalaki nang ganun-ganun lang? Balita ko pa’y hindi mabilang ang helicopter, yatch, cruise ship, at ang mga kotse ng lalaking iyan. Ang sabi-sabi may mga kaibigan ito sa buong mundo. Kaya ang masasabi ko lang ay suntok sa buwan kung gagawin natin.'' aniya sa akin na ikinatingin ko sa baso ng kape na hawak ko. Hindi ko ba talaga matatakasan ang lalaking iyon?
''A--anong gagawin ko?'' saad ko sa kanya na hindi ko na din alam kung paano ko pa tatakasan kung ganoon pala ang lalaking iyon. Hindi ko naman na maibabalik pa dahilan sa nagawa ko na din ang kamaliian sa mga mamahalin nitong damit.
''Magkano ba ang naging utang ng mga magulang mo sa kanya?'' aniya na seryosong saad nito sa akin.
''It's Billion.'' sa pagkakasabi ko nun ay napatayo siya sa kinauupuan at tumingin sa akin. Napangiwi ako sa kanya na bigla itong nagpa-panic.
''Kahit siguro ibigay mo ang katawan mo sa kanya ay hindi mababa--''
‘’Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, kahit na gwapo at maganda pa ang katawan nito ay wala akong pakialam sa kanya.’’ saad ko dito na ikinatingin naman sa akin nito na tinaasan pa ako ng kilay.
‘’So, gwapo talaga siya? Wait… sabi mo bang maganda—Ah! So, may someth--’’
‘’Tanggalin mo kaya muna 'yang utak mo at kung anu-ano na lamang ang mga naiisip mo.’’ saad ko dito na ikinailing ko na lamang sa kanya. Hindi ba talaga siya kakalma sa kalandian? pag ba sinungalngal ko 'to mamatay 'tong kaibigan ko?
''Anyway, tatawagan natin iyong dalawa sa pera na iyan tsk! I know naman ayaw mo na kinukontrol ka, at mukhang kailangan natin sila Shakira at Amber para malutas ang nasangkutan mo na ito.'' sabi nito sa akin na ikinagulat din namin nang bigla na naman tumunog ang cellphone ng nakakatakot na ringtone.
''What the h*ll! Cellphone mo iyon? Ang weird naman ng ringtone mo,'' aniya sa akin, pero alam ko pinatay ko 'to? Hindi ko ba siya na shutdown?
''H-hello…'' sagot ko sa caller ni Caleb. Pero ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi maganda.
''You can run, but you never hide, Avvy.'' sa sobra kong gulat sa boses na nakakakilabot ni Caleb ay nabitawan ko ang cellphone na ikinasigaw naman ni Louella sa naging reaksyon ko. Nakita ko ang body guard ni Louella habang nakatingin lamang sa amin ito sa may bandang pintuan na malayo sa amin, pero pansin ko pa din ang kanyang mga titig.
''Hey, Avvy, are you okay?'' saad naman ni Louella na nag-aalala. Naikinatingin ko lamang, ayoko sila madamay kaya't mabilis kong dinampot ang cellphone ni Caleb at nanakbo palabas at kahit na tawagin pa ako ni Louella ay hindi ko 'to pinansin.
Kailangan ko siguro makahanap ng lugar na hindi malapit sa mga kaibigan ko. Ayoko sila masangkot sa gulo na pinasukan ko hindi ko kaya pag may nangyari masama sa mga kaibigan ko na 'yon, kahit may mga lahing ewan pa ang mga ito minsan. Kailangan kong lutasin ang pinasok ko at ng mga magulang ko ng walang nadadamay sa akin.