ROMNICK’S POV HINDI ko mapigilan ang kaba ko nang tumigil ang van na minamaneho ng aking kanang kamay na si Gerald sa tapat ng Macho disco bar na pag-aari ni Lord Hare, siya ang isa sa pinuno ng isa sa pinakamalakas at pinakakilalang cartel, hindi lang dito sa Mexico kundi sa buong North America—ang El Combinado. Siya rin ang sinasabi ko kay Catherine na makakatulong sa amin. Dalawang araw na kami rito sa Mexico. At sa susunod na araw na nakatakdang i-bidding si Catherine. Pero hindi ako papayag na mangyari iyon. Kahit pa magalit sa akin si Randolph. O kahit patayin man niya ako. “Boss, sigurado ka ba sa gagawin mo? Papasok ba talaga tayo sa loob?” nag-aalalang tanong ni Gerald habang pasilip-silip siya sa labas ng bintana. Nasa likuran naman namin ang lima ko pang matatapat na tauhan

