Asper Reign Dahlia’s Pov Huminga ako ng malalim habang nasa harap ng gate ng kapitbahay ko. Medyo kinakabahan kasi ako ngayong alam ko nang si Caspian Jyn na pala ang nakaharap ko ng dalawang beses at sa isang awkward na sitwasyon pa. Baka mamaya ay pagbawalan na ako nitong makipag-bonding sa mga kasama niya dito at bawiin na niya ang susi na ibinigay nila sa akin. “Hanggang kailan ka tatayo diyan?” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na iyon mula sa aking likuran kaya agad akong bumaling doon. And I was greeted by the enticing eyes of a Caspian Jyn. Those ocean blue eyes feel like drowning me even though he is looking at me with nothing but cold stares and to be honest, it is giving me chills. “Oh my god!” Napatakip na lang ako ng bibig. “I… I am sorry.” Agad akong t

