Asper Reign Dahlia’s Pov “So, how is it?” tanong ko kina Jyn na ngayon ay tinitikman na ang niluto kong creamy macaroni soup. Sa totoo niyan ay ito ang unang beses na nagluto ako nito. Noon kasi ay napapanood ko lang ang mga nagluluto sa orphanage pero hindi ko naman masyadong inintindi dahil hindi ko inaasahan na darating pala ang araw na kakailanganin kong magluto para sa sarili ko. Malakas ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba dahil wala pa silang binibigay na feedback sa luto kong ito. Napalunok pa ako ng sariling laway nang dahan-dahang ibinaba ni Jyn ang hawak na kutsara. Pagkuwa’y tumingin siya sa akin at ilang sandali ay ngumiti. “I like it.” Doon ako tuluyang nakahinga ng maluwag. “Anong pagkain ito?” tanong ni Karyu na sunod-sunod ang subo ng kanyang soup. “Ngayon lang ako

