Asper Reign Dahlia’s Pov
Kung noong una ay nagulat ako sa mabilis na progress ng construction ng bahay ni Caspian Jyn, pero sa paglipas ng araw ay hindi na.
Well, malaking construction team naman kasi ang ni-hire nito para buoin ang kanyang magiging mansyon. Maliban pa doon ay wala ding tigil ang kanilang trabaho.
Twenty-four hours sila kung magtrabaho.
Kaya siguro agad na akong sinabihan noong si Raj dahil talaga nga namang magiging maingay sila ng mga ilang araw.
Though, hindi naman ako naapektuhan ng ingay na iyon dahil sa soundproofing na ginawa sa bahay kong ito.
Pero kahit inaasahan ko na ang mabilis na paggawa nila ay nagulat pa din ako nang makitang matapos ang halos sampung araw ay tuluyan nang naayos ang kabuuan ng mansion.
Ayon kay Mira, 300 square meters din ang lote na iyon. At tingin ko ay nasa two hundred lang ang lawak ng bahay na kanilang ginawa.
Ang natitirang one hundred ay ang kabuuan para sa bakuran nito.
“Malapit na pa lang matapos iyan,” ani Miracle na ay nakatambay dito sa bahay ko ngayon, to be specific, nandito siya sa kwarto ko habang nilalantakan ang brownies na ginawa ko kanina habang nanonood siya gamit ang movie steaming account ko,
Day off niya ngayon at dahil wala naman siyang ibang pupuntahan ay naisipan na lang niyang dito magpalipas. At ayaw din niyang manood ng movie sa sarili niyang bahay dahil puro horror ang genre na trip niya.
Yeah, she loves horror movies but she was afraid to watch it alone. Kaya kapag may oras ay dito siya nakikinood para lang masamahan ko siya.
Hindi nalalayo mula dito ang bahay niya. Dalawang kanto ang pagitan kaya madalas ay dito siya tumatambay sa akin kapag day off niya.
Nakasilip ako sa bintana at pinagmamasdan ang bahay sa kabila. “Sa totoo lang ay kinakabahan ako.”
Nawala ang sound mula sa television kaya bumaling ako sa kanya at nakita kong naka-pause ang pinapanood niya habang nakatingin sa akin.
“Bakit ka kinakabahan?”
“Well…” Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. “I don’t know anything about Caspian Jyn. I don’t even know his face kahit na sikat ang pangalan niya. Baka kapag nagkaharap kami, na alam mong hindi imposibleng mangyari, makilala niya ako.”
“Sinabi ko naman sayo na madalas siya sa ibang bansa, hindi ba?”
Ibinigay na din naman niya sa akin ang resulta ng pag-iimbestiga niya. Mayroon kasi siyang kilala sa tanggapan ng namumuno sa Yain City kaya nakakuha siya ng ilang impormasyon tungkol kay Caspian Jyn.
At doon ko nalaman na hindi siya nagtatagal dito sa Hexoria kahit pa marami-rami talaga siyang restaurant dito. Lagi siyang nasa ibang bansa at halos hindi nagpapakita sa publiko.
Pero kahit ganoon ay talaga namang sikat ang pangalan niya at talagang pinag-uusapan sa iba’t-ibang business magazines.
Tumango ako. “Iyon nga. Pero anong malay natin, baka minsan na niyang napanood ang mga news tungkol sa akin.”
“Kung makilala ka man niya, sigurado naman na hindi ka niya pakikialaman as long as hindi mo din siya pinakikialaman,” aniya.
“Eh?” Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”
“Nalaman ko din na kaya siya lumipat dito sa Yain City dahil umiiwas din siya sa publiko,” kwento niya. “May kinasangkutan palang insidente ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang tao at nadamay ang kanyang pangalan kaya nagpakalayo-layo na lang muna siya para magpalamig.”
“So, kung wala akong gagawin na ikasisira ng tahimik niyang buhay dito ay hindi din niya din sisirain ang buhay ko dito?”
Tumango-tango siya. “Pero sa tingin ko ay mabuti din na magkaroon ka ng maayos na relasyon sa kanya bilang kapitbahay.”
Tinaasan ko siya ng kilay.
Sa totoo lang ay wala akong plano na makipaglapit sa kanya kahit pa kung tutuusin ay kaming dalawa lang ang magkapitbahay sa street namin. Puro bakante pa kasi ang ibang lote sa paligid namin.
“At bakit mo naman biglang naisip iyan?” tanong ko sa kanya.
“Siya lang kasi ang kapitbahay mo dito,” sabi niya. “At sa totoo lang ay lagi akong nag-aalala sayo dahil mag-isa ka na nga lang dito sa bahay mo, mag-isa ka lang din dito sa street mo.”
“At ngayong may kapitbahay na ako ay gusto mong makipaglapit ako sa kanila para mabawasan ang pag-aalala mo?”
Tumango siya. “Mukha namang mapagkakatiwalaan si Caspian Jyn dahil wala akong nakitang kahit maliit na kaso laban sa kanya. His records are clean as crystal,” aniya. “So, kung sakali man na may mangyari dito ay may matatakbuhan ka agad.”
Napaisip ako sa sinabi niya.
May point naman siya kung tutuusin dahil hindi naman lagi na siya ang tatawagan ko kapag may nangyayari dito sa bahay.
May sarili ding buhay itong si Mira and now I realize that I may be hindering her life because I was too dependent on her.
Muli akong bumaling sa bintana at muling bumuntong hininga.
Bigla akong nakaramdam ng guilt,
Ngayon ko lang din kasi napagtanto na halos lahat ng trabaho sa cafe ay pinaubaya ko na sa kanya. And it is making her life a bit busy that she is forgetting about herself.
“Hey,” tawag sa akin ni Mira. “Did I say something that upset you?”
“No,” mabilis kong sagot. Bumaling pa ako sa kanya at umiling-iling. “No, I am not upset.”
Siya naman ngayon ang lumapit sa akin. “Then, why are you making that kind of face as if you are feeling guilty?”
“Well…” Napakamot ako ng ulo at napaiwas ng tingin. “I actually am.”
“Why?”
“Guilty for being too dependent on you,” sabi ko. “You know, dahil sa akin ay nababawasan ang oras mo para sa sarili mo. Nakakasagabal ako sa sarili mong buhay.”
“Hey!” alma niya. “At kailan ko sinabi na nakakasagabal ka sa akin?”
“Hindi mo sinabi pero hindi natin maitatanggi na iyon ang nangyayari,” dagdag ko pa. “Tapos ikaw, nagpapakahirap asikasuhin ang cafe ko habang ako, nagre-relax lang dito sa bahay.”
“Asper, magkaibigan tayo.” Hinawakan niya ang kamay ko kaya muli akong napatingin sa kanya. “Sa sitwasyon mo ay hindi uusbong ang SweetHeart kung hindi ito tututukan. At alam mong hindi mo iyon magagawa ngayon dahil sa sitwasyon mo.”
Ang SweetHeart ang pinagkukunan ko ng income para sa daily expenses ko dahil nga iniiwasan kong gamitin ang pera at asset na pamana sa akin.
May portion din ng kita ng cafe ang ipinapadala ko kay Aasiyah para panggastos sa mga foundation at ospital na ipinatayo ko dahil mula nang mawala ako sa mata ng publiko ay bahagyang nabawasan ang mga nagdo-donate sa mga ito.
Kaya malaki ang pasasalamat ko sa ginagawa ni Miracle para sa akin.
Dahil sa kanya ay napapanatili ko ang buhay ko dito sa Yain at hindi ko napapabayaan ang mga obligasyon na sinimulan ko noon.
“At ginusto ko ang pagtulong kong ito sayo,” dagdag niya. “At sa totoo lang ay nagpapasalamat ako dahil kahit hindi pa nagtatagal mula nang magkakilala tayo ay labis-labis na ang tiwala na ibinigay mo sa akin.”
Hindi naman mahirap pagkatiwalaan ang isang ito dahil pinakita niya sa akin ang pagiging totoo sa lahat ng bahay. At ni minsan ay hindi siya nagpakita o gumawa ng mga bagay na ikakasira ng tiwala na iyon.
“So, don’t feel guilty, okay?” aniya. “What I am doing is something that I decided for myself. Ako ang pumili sa kung paano dumadaan ang bawat araw sa buhay ko kaya huwag kang oa diyan, okay?”
Bumuntong hininga akong muli. Naiintindihan ko naman kung ano ang sinasabi niya at kahit paano ay gumagaan ang loob ko.
“Iniisip ko kasi na baka may nanliligaw sayo pero hindi makaporma dahil lahat ng oras mo ay itinutuon mo para sa SweetHeart.”
Nanlaki ang mata niya. “Are you kidding me? Iyon talaga ang iniisip mo kaya bigla kang nakaramdam ng ganyan?”
Tumango ako. “Like hello? You are not getting younger, Mira. Hindi mo man sabihin, alam kong hanggang ngayon ay kinukulit ka pa din ng mga magulang mo na maghanap na ng mapapangasawa mo.”
“Nako, huwag mong isipin iyon.” Binitiwan niya ako at muling bumalik sa kama ko tsaka ipinagpatuloy ang panonood. “Wala akong boyfriend at lalong wala akong manliligaw. Isa pa, mas nagugustuhan ko ang ginagawa kong pagtatrabaho sa shop mo. Alam mo na nag-iipon din ako ng sariling pera para makapagpatayo ng sariling business, ‘di ba?”
Mukha namang walang patutunguhan ang pag-aalala ko kaya huminga na lang ako ng malalim at isinantabi na iyon.
Naupo na lang din ako sa tabi niya at nakinood.