“Poleena, namumutla ka…” sabi sa akin ni Vader habang nasa backseat na kami ng sasakyan. Pabalik na kami sa penthouse after naming kausapin si Uncle Nox. marami kaming nalaman tungkol sa kanilang magkapartid. All this time napakamasamang tao pala ng naging stepfather ko. Nagpapasalamat na lang ako at hindi siya katulad ng kanyang mga anak. Oh my god, Maddox killed his wives para lang makuha ang kanyang gusto. Napahinga na naman ako ng malalim dahil I feel so suffocated. He killed my mother and he wants me next dahil sa obsession nmiya sa isang babae na kamukhang-kamukha ko. “I feel sick, Kuya…” sambit ko. Napahawak ako sa aking dibdib at tinapik-tapik ito. “Wilder, stop the car.” alalang sabi niya. Tinabi ni Kuya Wilder ang aming sasakyan at ng tumigil ito, agad akong lumabas. Nag-bend

