Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may kamay na yumakap mula sa akin mula sa likod. Dumikit rin ang isang malaki at mainit na katawan sa aking likod, at alam ko kaagad kung sino ito. Nag-away na naman ang mag-asawa kanina at pinagbantaan pa ni Nox si Suzanne nang magkasagutan sila. Nagkulong sa kwarto niya ang baba e kong amo habang si Nox at lumabas ulit at hindi ko alam kung saan nagpunta. Hinintay ko siya na umuwi, pero malalim na ang gabi hindi pa ito dumarating. Kaya nag-decide na lang ako na bumalik na sa aking kwarto. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Lumingon ako sa kanya and he looks so exhausted habang nakapikit ang kanyang mga mata. Dahan-dahan akong humarap sa kanya attinitigan kong mabuti ang kanyang mukha. He is really an attractive man at kahit may edad na

