Vader’s POV “What did you do to her, dad?” galit na sigaw ni Wilder nang pumasok kami ulit sa bahay. Nadatnan namin siyang umiinom na ng alak sa kusina at parang wala man lang itong pakialam na umalis si Poleena. Galit na galit din ako ngayon dahil sa nakita ko. Nang ma-received ko ang message ng dalaga na nasa bahay sila ni Papa, agad kaming pumunta rito dahil pakiramdam ko na may nangyari. Hindi rin ako makapaniwala na nagsinungaling sa amin si Poleena, na makikipagkita pala siya sa kanyang ex-boyfriend at hindi sa kanyang kaibigan. I want to know the reason, but when I saw her, bakas sa mukha niya ang nasaktan na para bang may nag-traydor sa kanya. Nag-alala din ako nang makita ang namumula niyang pisngi. Ibig sabihin nasaktan na siya ng aming ama bago pa kami dumating. Nakita ko na a

