Hindi ako nakatulog ng maayos buong gabi after what I saw sa memory card na binigay sa akin ng ex-boyfriend ko. Nang magising ako, nasa hotel room pa rin naman ako ng hotel pero napapagitnaan ako nila Vader at Wilder na hindi ako iniwan. Hindi ko alam, pero mukhang inatake ako ng panic attack. It was just so bizarre to see those pictures and video kung saan may kasama ang aking stepfather na mga babaeng kamukha ko. I don’t know how I feel, mas naguluhan pa ako sa sitwasyon ngayon. Nananakit na ang ulo ko sa kaiisip and I just want to take time from all of this to go away. Napatingin ako sa dalawang lalake na natutulog sa magkabilang gilid ko. They are still here ka hit nalaman na nila ang tungkol sa amin ni Uncle. Nasa tamang katinuan pa rin naman ako ngayon dahil sinabi nila sa akin mah

