Chapter 63 Anika / Chantal POV UNTI–UNTI akong nagmulat ng mga mata. Kumurap–kurap bago tuluyang naipokus ang paningin nasa isang silid ako na hindi pamilyar sa akin. Napadaing ako nang makaramdam ang pananakit sa dibdib ko. "Uhmmm...G–Gunner?" I whispered. Ngunit walang sumagot, pinilit kong bumangon at wala sa sariling naupo sa gilid ng kama. Nang bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Niyuko ko ang sarili nakapalit na ako ng damit. May bahid ng dugong marahil bumakas mula sa dibdib ko. Bumangon muli ang sindak na kanina ay naramdaman ko. Napaiyak ako nang maalala ang kalupitan ni Gunner sa akin. Nanginginig ang mga kamay kong sinilip ko ang aking dibdib, tumulo ang masaganang luha ko nang makita ang tattoo sa dibdib ko. He was so angry. Ang taong inaasahan kong makakaintindi sa

