Tinawag ni Tabuios si Amanda sa silid niya upang kausapin Siya .nang makarating si Amanda sa opisina nito ay nakatalikod ito sa kanya na nakaharap sa salaming dingding ng magsalita.
"you're not really going to tell me ?"
Tabuios asked .si Amanda naman ay naguguluhan sa tanong nito sa kanya .
"tell you what?".
"narinig ko Ang pag-uusap niyo ni Mr.Malle (Lara's father)."
"Wala naman Yun Sir,"
humarap si Tabuios sa kanya at galit na galit na lumapit ito sa kanya."just tell me!".nagpipigil ng galit.
"Ang sabi lang niya ay dapat kong irespeto at igalang si Ma'am Lara dahil mapapangasawa siya ng anak Ng may Ari ng kompanyang pinagtratrabahuan ko ." pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay pinagbantaan siya ni Mr.Malle na oras na maikasal na si Lara ay aalis na siya sa kompanya at humanap ng ibang mapapasukan dahil ayaw ni Lara sa kaniya .sinabi din niya kay Amanda na oras na magsumbong siya kay Tabuios ay pababagsakin niya ang maliit na klinika ng daddy niya at maliit na bakery na ng mommy nito.labis ang pagaalala nito sa mga magulang kaya pumayag siya na aalis na lang sa kompanya kahit masama ang loob na iwan si Tabuios sa isip isip niya ay magdadahilan nalang ito na pinagreresign siya ng boyfriend niya at mananatili na lang siya sa bakery ng mommy para tulungan ito .Hindi rin Siya sigurado kung kaya niyang pakitunguhan si Lara sa ugali nito kaya maigi ngang umalis na lang siya .pero hindi niya alam kung maniniwala ba si Tabuios sa kanya.nais na sana niyang sabihin ang tungkol sa pagreresign pero Hindi pa niya Kaya ,kaya hindi muna Niya binanggit ito dahil alam niyang magiinit lalo ang ulo nito at baka hindi pa siya hayaan na magresign.alam ni Tabuios na nagsisinungaling si Amanda pero hinayaan na lang ito .
"is that so?".
tanong nito kay amanda.si Amanda naman ay tumango lang dahil wala na siyang alam na ipagdadahilan kung sakaling magpumilit na alamin ang totoo.
"ok then....just let me know kung may sinasabi silang Hindi maganda sayo at I will be the one to confront them at si Lara like I said hayaan mo na lang sila ." Sabi nito sa kanya sa malungkot na tono.at nagpaalam na siya para umalis si Amanda naman ay sinundan ang bulto nito habang papaalis ng opisina habang siya ay naiwang tulala at bagsak ang balikat na naupo sa visitor's chair ni Tabuios.sa Araw araw na pagtratrabaho nito ay ngayon lang siya nag alala ng husto.sa waring mabubulabog Ang buhay niya dahil sa ama ni Lara.
natigilan sa pagiisip si Amanda ng dumating si Migs dala ang mga papeles na dapat sana ay sadya ni Tabuios.
"hey!....where's boss,andito na ang mga papeles na pinahahanap niya."Sabi nito sabay abot ang mga files sa kanya.si Amanda naman ay nagkibit ng balikat at sinabing naka alis na ito.
"what's wrong ?"tanong nito ng mapansin hindi na kumibo ang kaibigan.
"nothing ....it's personal."
pagsisinungaling nito.
"personal ?I'm sure lalaki yan ?sino sabihin mo sakin ." pang aasar nito na pangiti ngiti pa sa kanya.si Amanda naman matipid na ngumiti.
"hmmm issue ka Migs."konware at natatawa si Amanda.
"hmmm...gwapo ba yan?matalino at Matangkad?"tanong nito sa kanya.si Amanda nman ay ngumiti at tumingin sa kanya ."sobrang gwapo niya ."pa nito.
"ah !kaya pala ngayun alam kuna!".Sabi ni Migs Kay Amanda na pangiti ngiti pa.si Amanda naman ay biglang natigilan alam na kaya nito Ang damdamin niya kay Tabuios.
nag-aalalang lumapit ito sa kanya at"Wala kang narinig at tayo lang dapat makaalam nito ha,promise mo sakin."bilin nito kay Amanda sa pag-aakalang si Tabuios ang tinutukoy nito habang si Migs naman ay ngumiti nanaman.
"Ikaw ha!pero sige secret lang natin .naiintindihan ko kung gusto mo pang itago."
"nakakahiya pagnalaman ng lahat ang totoo !hayyss!ano na lang ang mukhang ihaharap ko ."
"wag kang mag-alala Wala muna akong pagsasabihan ..... dati ko pang napapansin na may nararamdaman ka-"Hindi na naituloy ni Migs Ang sasabihin dahil tinakpan ni Amanda Ang bunga nga Niya." ano ba baka may makarinig,masesante pa Ako."
"bakit ka naman masesesanti eh Lalo nga silang matutuwa dahil magkasama tayo sa opisina at Hindi ka na pagseselosan ni ma'am Lara dahil umamin ka na Ng nararamdaman mo sakin."Sabi nito sabay halak hak habang si Amanda ay na tigilan ,mukang alam na nito ang ibig sabihin ni Migs .sabay pinaghahampas sa braso si Migs.
"echosero ka !.....wala akong gusto sayo no!tsaka ibang lalaki Ang tinutukoy ko ."Sabi nito na umirap pa Kay Migs .
"biro lang, Ikaw naman anlayo Kasi ng iniisip mo,alam ko naman na kaibigan lang ako para sayo .pero kung sino man siya ay napaka swerte niya sayo dahil maganda ka at higit sa lahat ay napa kabait mo kaya nga sana ako na lang ."Sabi nito na patawa tawa pa .nagkibit ng balikat nalang si Amanda at lumabas sa opisina ni Tabuios.
kinaumagahan ng tanghali ay bagot na bagot na naupo si Amanda sa cubicle niya at wala rin gana dahil simula Ng magkausap sila ni Tabuios kahapon ay hindi na siya ulit nakita hindi rin pumasok ngayon na ipinagtataka ni Amanda dahil kung may project naman ito sa mga provincial site ay pinapa-alam naman nito sa kanya hindi rin niya ito makontak .pati si Migs ay hindi rin makontak dahil maykailangan daw itong pirmahan.
"Afternoon Amanda"bati nito sakanya bit bit ang mga tseke at naupu sa silyang nasa harapan ng mesa niya.
"Good afternoon ....nakita mo ba si Tabuios?"tanong nito kay Migs .
"No,Ikaw ang secretary dapat alam mo kung nasaan Siya .siya din ang pinunta ko dito,tatanungin ko sana kung asan Siya."nagkibit ng balikat si Amanda
"Mula kahapon ay hindi ko pa siya nakikita.bakit mo hinahanap si Sir Tab?."
"Friday ngayon ,Amanda ...
payroll sa Legaspi site bukas at hindi pa napipirmahan ni Sir Tab. ang mga tseke na dapat kahapon pa naipadala."
"yun din Ang iniisip ko...may luncheon appointment pa naman siya ngayon sa Okada Manila .iniisip koy baka tumuloy na ito sa ka- meeting niya."
"Hanggang alas kwatro lang ang bangko at bukas naman ay sabado siguradong walang bangko,eh baka magipit kami.pag-aakala namin ay darating Ngayon."
"Ah sigurado busy yun ,madaming inaasikaso lalo na't ikakasal ."
apologetic ang tinig niya para Tabuios.pinagtatakpan na lang niya Ang madalas na pagkawala nito sa opisina dahil ayaw niyang isipin ng mga empleyado niya na naging pabaya siya nitong mga nakaraang araw dahil lang gusto laging kasama ni Lara si Tabuios sa mga lakad niya.
"alas dose pa lang .hintayin mo nalang siya at baka dumating din iyun .maihahabol niyo iyan panigurado."
inabot sa kanya ang mga bulto ng tseke at vouchers .tumayo na ito upang magpaalam.
"pagkadating niya ay agad mong papirmahin aiya sa mga check at kung may oras ay agad kung ipapatakbo sa messenger iyan bago tayo masarhan.
and don't forget to buzz me as soon as the boss came in."tumango lang siya bilang pagtugun.
sa boong maghapon ay nakailang tawag sa intercom si Amanda ngunit hindi dumating si Tabuios .nakailang balik narin si Migs .nag-aalala itong baka magsara ang bangko ay walang sasahurin ang mga tao sa site na bukas Inaasahan na sasahod .dumating na rin ang project manager na kukuha sa payroll para bukas .and she was worried . iniisip niya ang mga tao.Two days late would mean a lot for these people.kawawa naman ang mga trabahador kung hindi nila matanggap Ng maaga ang mga sahod nila at baka may mga pamilya pa silang gipit.kaya sa isip niya ay kahit dumating manlang.
naglilugpit na ng mga gamit niya si Amanda ng tumunog ang private line ni Tabuios.dali daling sinagot ni Amanda ang tawag.
"Sir Tab,where are you?have you forgotten about the check ,payroll ng mga tao sa site ngayon at kailangan mong pirmahan."
"Damn those checks!"
tumikhim siya bago magsalita.
"pero kung busy kayo ni Lara then we can still settle this tomorrow.
sarado na po kasi ang banko ngayon at hindi sapat ang petty cash sa accounting upang pang -abono sa sweldo nila ."
tahimik lang ang kabilang linya at wala man lang pag-aalala na narinig mula rito.kung sana ay balak nilang maghoneymoon ng maaga ay iniisip muna niya ang payroll ng mga tao sa site.hindi alam ni Amanda kung bakit Siya naiinis dito sa kadahilanan bang hindi inasikaso ang payroll o ang riyalisasyong magkasama ang dalawa .she pictured them in bed together .naglalampungan at ano pa .at nasisiraan na siya ng ulo para maramdaman ito .the pain and jealousy is killing her at kinakain na siya ng paninibugho na dapat ay wala siyang karapatan upang maramdaman ito.kailangan turuan niya ang puso na kalimutan na sila dahil dalawang linggo mula ngayon ay ikakasal na sila .
"Alam mo ba ang address ng condo unit ko sa cavite?"tanong ni Tabuios na pumukaw sa pagiisip ni Amanda.
"Yes,why?"
"take a taxi and come over,Amanda."utos nito sa kanya .sa hindi malamang dahilan ay sa mahigit Isang taong pagtratrabaho nito sa kanya ay mahigpit nitong pinagbibilin na wag siyang gambahin kapag nasa condo niya pero bakit ngayon ay siya pa Ang nagpapapunta sa kanya rito.but this was urgent ,kung Sana ay kanina pa ito tawag kung nasa condo lang ito para nagawan sana ng paraan ang suswelduhin ng mga tao.
"I'll call mang darielle para siya-"
pinutol nito ang sasabihin niya .
"Come over and I'll give you instructions dahil hindi rin ako makakapasok sa lunes. I'll give you my ATM cards for the payroll.instruct the company driver to take you to the site tomorrow."
and before she could explain further that the project manager was in town to take the payroll , Tabuios already cut the line off.ipapaliwag niya sana na si mang darielle na lang ang pupunta para Kunin sa kanya Ang ATM cards nito upang deretso na ito sa site bukas. nagdalawang isip si Amanda kung dapat ba siyang magtungo roon sa condo nito dahil hinala niya ay nakainom ito.pero bakit nga ba?.Wala siyang panahon upang alamin ang mga bagay na Yun ang mahalaga ay magawan ng paraan ang suswelduhin ang mga tao sa site.all she had to do was to meet with the project manager's house tonight after she had withdrawn the payroll from Tabuios bank account.that was her plan .Ang project manager na ang magdadala ng payroll .dinampot niya ang intercom at nakipagusap sa project manager na dadalhin niya ang payroll sa bahay nito mamayang gabi. sinabi Niya ditong wag mag-alala dahil nagawan na ng paraan ang sweldo ng mga tao para namang nabunutan ng tinik si mang darielle at narinig niya mula sa kabilang linya ang pagbuntung hininga niya at nagpasalamat .pagkatapos nilang mag usap ay alanganing dinampot Ang bag huminga muna bago tumayo upang bumaba ng building .Ang iniisip niya lang ay ang mga tao sa site kaya kahit hapon na at alam niyang matraffic dahil labasan ng mga nagtratrabaho ay hindi niya alintana basta magawan lang ng paraan ang payroll.
Isang oras din Ang binyahe ni Amanda bago makarating sa condo building na tinitirhan ni Tabuios .sa fifth floor matatagpuan ang unit ni Tabuios at nang makarating na siya ay Isa Isa niyang tinignan ang unit number nito.at nang makita niya ang kinaroroonan ng unt nito ay huminga muna siya bago diniinan ang buzzer nito.kakatok na Sana siya ng biglang bumukas ang pinto.bumungad sa kanya ang Tabuios na naka boxer shorts lang bukod dun ay wala.her heart begin to pound .her whole physical being seemed affected by the sight of him.as if she had a shot of adrenaline .ang mga mata niya ay natuon dito.and she was shatteringly aware of their magnetism.
Hindi malaman ni Amanda ang gagawin ng makita siyang ganun.
"What took you so long ?".salubong ang kilay na nagtanong at mapapansin ang pagkairita sa kanyang tono.si Amanda naman ay tila naestatwa na at di makapag salita o di maisa tinig ang isasagot dahil nakatuon Ang mga mata nito sa katawan ni Tabuios ,kung bakit naman Kasi ito magpapapunta sa condo ng ganun ang ayos.
she swallowed with difficulty as her gaze slipped to his naked body and down to the boxers he wore.without his shirt, Tabuios was magnificent.ang mga maninipis niyang balahibo sa dibdib at Ang maubok niy-.
"Hey !stop staring at my body, Amanda.come on in,"putol niya sa naglalaway na wisyu nito.nilakihan Ang awang ng pinto upang makapasok siya.amusement crossed his eyes.
pagkapasok ni Amanda ay pabagsak na isinara ni Tabuios iyon.napapitlag siya sa lakas ng pagsara ng pinto . pakiramdam ni Amanda ay malilitis siya sa kwartong ito at kalaunan ay ikukulong sa hawlang bakal. she chided herself for having such weird thoughts .sa halip ay nilinga Niya Ang kabuuan ng unit .katamtan lang ang laki at ang mga kasangkapan ay yaon lamang kinakailangan that it was almost bare.it was definitely a bachelor's pad.sa living room ay makalat ang bote ng mga mamahaling brandy ay kung saan saan .Ang mga stool niya na Akala mo ay may gera sa loob ng condo niya.ang ashtray niya ay halos puno ng sigarilyo .pero bakit?at Ang ipinagtataka niya ay magisa lang ito .so,where was Lara?
"kasama mo ba si Lara,Sir Tab.?kinakabahang tanong niya .ng Hindi ito sumagot ay nilingon niya ito na nasa pang isahang upuan ,bumaba Ang mata niya sa garter ng boxers niya Kaya gumuhit ang boltahe ng init sa katawan na hindi niya maipaliwanag at Hindi dapat maramdaman dahil sa kung ano anong nagsasalimbayan sa isip niya.
Bakit?
nasaan nga ba si Lara?
nag-away ba Sila?
Anong nangyari?
.....abangan