Chapter 12

1625 Words
Tinatamad akong bumangon nang marinig ang tunog ng alarm. Pinatay ko iyon at nakapikit na bumalik sa kama. Agad kong niyakap ang unan at nagkumot. Ang lamig ng panahon kaya ayaw ko pang bumangon! Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip nang muling magising dahil sa malakas na boses ni mama. "Rika, mag-aalas otso na! Bakit natutulog ka pa r'yan?!" "Ha?" iritadong tanong ko at napatayo nang may humila sa akin. "Akala ko naman nakabihis ka na at lahat-lahat. Pero nakahilata ka rin!" pagbubunganga ni mama. Itinulak niya ako papasok sa banyo at napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang malamig na tubig mula sa shower na bumabagsak sa katawan ko. "Ma!" sigaw ko sa kanya at agad na lumayo. "Maligo ka na, kita mong mali-late ka na!" singhal niya bago ako iniwan. Iritado akong humikab at naghubad ng damit para ipagpatuloy ang pagligo. Itinabi ko muna ang mga basang damit para labhan na lang pagka-uwi. Tinatamad akong nagbihis at nagsuklay. Monday na naman! Ang tagal pa para mag-Biyernes ulit! Naglalagay ako ng polbo sa mukha nang lumabas mula sa kwarto. Ang kaso, hindi ko pa iyon napapatag sa buong mukha nang bumungad sa akin si Senyorito Brandon. Napatayo siya mula sa pagkakasandal mula sa dingding at lumapit sa akin. "Ang tagal mo," bungad niya sa akin at may inilahad na puting paper bag. "Ano naman 'yan, senyorito?" kuryosong tanong ko at minasahe ang mukha para ayusin ang pagkakalagay ng powder. "Buksan mo para malaman mo," diretsang saad niya at sinundan ako nang hindi ibinababa ang kamay. "Mamaya na! Mali-late na 'ko sa school!" sagot ko at pumuntang kusina para maghanap ng pagkain. Naabutan namin roon si Ate Cathy na nagulantang nang makita si senyorito sa likuran ko. "Good morning, sir!" masiglang bati niya rito. Ibinaba niya ang kamay na may hawak na bag. "Morning," tipid na bati niya kay Cathy at tumabi sa akin habang naghahanap ako ng makakain sa ref. Kumuha ako ng tinapay, tsokolateng palaman, saging at gatas bago muling tumayo. "Ano pong kailan niyo, sir?" mahinhin at gamit ang pambabaeng boses na tanong ni Ate Cathy kay senyorito. "Si Rika, may ibibigay lang ako sa kanya," rinig kong paliwanag nito. Kumuha kasi ako ng kutsara at naglagay ng palaman sa tinapay bago ipinalaman ang saging. "Ano ba kasi 'yan, senyorito?" Inilahad ko ang kamay sa kanya. "Akin na," utos ko habang ngumunguya. "Buksan mo, ha?" utos niya nang maibigay iyon aa akin. Mabilis naman akong umiling. "Mamaya na," sagot ko at sinilip ang laman no'n. Nakita kong hugis pahabang lalagyan na nakabalot sa kulay pulang wrapper. May ribbon pa roon. Napangiti agad ako at kinuha ang laman no'n. "Aba?! May pa-regalo ka, senyorito?" obvious na tanong ko at inilapag sa lamesa ang lalagyan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Naabutan ko naman ang mga mga niya sa akin habang nakangiti at nagniningning pa ang kulay ulap na mga mata niya. "Ano 'to?" 'di ko naitago ang pagkasabik sa boses at inalog iyon pero wala akong narinig na tunog. Mukhang mabigat pa iyon kaya mas lalo akong naging kuryoso. "Buksan mo sabi!" tila nauubusan ng pasensyang sagot niya. Humalakhak ako at muling inilagay iyon sa lalagyan. "Rika..." nahimigan ko ang pagtatampo sa boses ni senyorito kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. "Ano?!" Halakhak ko. "Mamaya na, pagka-uwi ko, senyorito! Para may dahilan ako para umuwi kaagad." "Gusto kong makita 'yong reaksyon mo!" parang batang pagpupumilit niya. "Oh, sige na! Tatawagin kita kapag bubuksan ko na!" pagsuko ko at dinala iyon para pumuntang kwarto. Sumunod naman siya tulad ng kanina. "Baka hindi ko maabutan," dagdag niya. "Bakit naman? May pupuntahan ka ba?" tanong ko, tumango naman siya. Inilagay ko sa kama ang regalo ni senyorito at hinarap siya. "Hihintayin kita!" ngiting sagot ko. Huminga siya ng malalim at nagpaliwanag, "Aalis na 'ko mamaya, Rika. Babalik na 'ko sa Maynila." Napatitig ako sa kanya dahil sa pagkabigla. Hindi ako napagsalita habang pino-proseso ang sinabi niya. "Aalis ka na? Akala ko, rito ka na titira." "Hindi, nagbakasyon lang ako saglit dito. Nakakapagod at nakakasakal kasi roon," paliwanag niya at tinuro ang regalo niya. "That is for making me breathe even for a while." "Breathe? Hindi ka ba nakakahinga ro'n sa Maynila? Dahil ba sa pollution?" Ang kaninang kalungkutan sa mga mata niya ay napalitan ng pagkamangha. "Damn, Rika!" "Hoy, ano ba?! 'Wag mo nga 'kong minumura, senyorito!" reklamo ko sa kanya sabay hampas. Humalakhak naman siya at tumango. "Kakaiba ka talaga! Naiintindihan mo 'yong pagmura ko sa 'yo..." tumigil siya at lumapit sa akin. "Pero hindi mo naiintindihan na sa nakakapagod na mundo ng trabaho, ikaw 'yong naging pahinga ko." Nalaglag ang panga ko dahil sa idinagdag niya. Umiling siya at mas lumawak ang ngiti. Maya-maya ay hinawakan niya ang palapulsuan ko at niyaya ako palabas ng kwarto. "Hali ka na, sabi mo mali-late ka na!" "Pa, si senyorito, may regalo sa akin!" pagki-kwento ko sa ama na siyang nagmamaneho. Ngimiti ako kay senyorito at nagpatuloy. "Pero hindi ko pa binubuksan kaya 'di ko alam kung ano 'yon!" "Talaga?!" gulat na sagot niya at sinulyapan si senyorito mula sa salaming nasa harap. "Salamat, sir! Napakabuti mo talaga!" "No worries. Rika deserves it and I wish she use it well." Napatingin ako kay senyorito habang nakasalubong kilay. Magagamit ko? "Ano ba talaga 'yong regalo mo, senyorito?!" gigil na tanong ko sa kanya. Humalakhak siya, nginitian ako na hindi labas ang ngipin at umiling. Nag-aasar pa! Napanguso ako at umayos ulit ng upo. Habang pinapanood ang mga bahay at punong nadaraanan namin, napatanong ako, "Kailan ka ulit babalik dito, senyorito?" "I don't know," rinig kong sagot niya mula sa likuran. "I don't know if I will come back." Tumango ako at napanguso. Isang linggo lang pala siya rito, kung gano'n? "Sayang, i-invite pa naman sana kita sa debut ko!" sambit ko at ngumiti sa ama. "'Di ba, papa? Kasali dapat si senyorito sa eighteen candle o eighteen roses ko?" "Yes, sir!" Tumango ito kay senyorito bago niya ako hinarap saglit. "Pero, anak, 'yong regalo sa 'yo ni Sir Brandon, baka advance birthday gift na niya 'yon sa 'yo!" "E, pero sabi niya po—" Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang magsalita si senyorito. "Yeah, take that as my birthday gift for your debut, Rika." Napangiti ako at nilingon siya. "Sige po, thank you, senyorito!" Tumango siya at ngumiti rin sa akin. "When is your birthday, by the way?" "Next month na po, senyorito!" excited na sagot ko. Nang makarating sa tapat ng school ay inalis ko na ang pagkakakabit ng seatbelt ko. "Pasok na po ako, papa!" paalam ko sa ama at hinalikan siya sa pisngi. Pagkababa ko ay nilingon ko si senyorito sa pwesto niya at kumaway. "Bye, senyorito!" "See you again, soon," may ngiting sagot niya. "Soon? Kailan po, senyorito?!" excited na tanong ko dahil kabaliktaran iyon ng sagot niya kanina. Iyong sabi niyang hindi niya alam kung babalik pa siya. "I'm not yet sure. We'll see, Rika." Tumango ako at muling kumaway. "Ingat po sa biyahe, senyorito! Bye!" mabilis na bati ko at tumakbo na papasok sa gate namin dahil narinig ko na ang pag-ring ng bell. Hudyat na magsisimula na ang unang klase at magsasara na ang gate. Abala ako sa paghiga sa armchair habang nagka-klase ang PE teacher namin sa harapan. Biglang pumasok sa isip ko si senyorito. Ang bilis naman niyang umalis. Pero 'di bale, mababawasan ang trabaho ko sa mansyon at makakapag-gala na ulit ako sa Linggo! "Saan kayo mamaya?" tanong ko sa tatlong tropa nang mag-uwian. Isinabit ko ang strap ng bag sa isang balikat at kinuha ang pabango ni Franz na nasa lamesa niya. "Ang tamis!" reklamo ko nang amuyin iyon at ibinalik ang takip. "Gaga! Ang bango kaya!" singhal niya at naligo ng pabango. Napangiwi ako dahil amoy marshmallow iyon. Nakakagutom! "Sama ako sa gala niyo!" "Taray! Wala kang sundo ngayon?" tanong ni JP. Tumango ako at ngumisi. "Wala! Tinext ko si papa." "Bet! Panoorin na lang natin si Mona. May photoshoot siya today for beauty contest!" sang-ayon niya at niyakap ang braso ko. Oo nga pala, pormal na nakasali si Mona sa Miss San Juan. At ako, disqualified dahil wala pa ako sa eighteen. Mabuti na lang! "Go, Mona!" sigaw ko sabay palakpak sa kaibigan nang makita siya sa stage. Ang sexy nito sa suot na fitted crop top at skinny jeans! Ang ganda ng kurba ng katawan niya. "Pak! Kabogin mo sila, girl!" hiyaw naman ng dalawa ko pang kasama. Humalakhak ako dahil kami lang ang maingay roon. Pinapanood namin kung paano kuhanan ng litrato ang mga kandidata hanggang sa biglang bumuhos ang ulan at wala kaming dalang payong! Sumilong kaming tatlo at napatingin sa langit nang magliwanag iyon at sinundan ng malakas na kumulog. "Shuta! Wala man lang bang ambon for today's ulan?" sigaw ni Franz habang pinupunasan ang sariling buhok. "True! Pa'no na tayo, mga sis?" tanong naman ni JP at tinignan ako. "Baka naman may payong ka, girl?" Nang umiling ako ay mas lalo silang napangso at nagdabog ng paa dahil sa pagkadismaya. Kaya sa huli, sinugod namin ang ulan nang walang sapatos. Nabilib pa ako kay Mona na tumakbo sa ulan habang suot ang mataas na sapatos pang-modelo. "Rika, ingat, ha?" paalala ni Mona nang makarating ito sa tapat ng bahay nila. Mas malayo pa ang mansyon ng mga Monteverde kaya kinailangan ko pang tumakbo ulit. Muling pumasok sa isip ko si senyorito. Ganito rin ang pagod ko noong gabing bago ko siya mapagkamalang magnanakaw sa mansyon. "I miss you, senyorito!" sigaw ko sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan. "Rika!" Natigil ako at ramdam ang pag-init ang pisgi nang biglang may pamilyar na boses na tumawag sa akin. Narinig ba niya ang isinigaw ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD