Chapter 24

1437 Words

Nagkulong ako sa kwarto at doon humagulgol dahil sa inis. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Noong nag-break kami ni Trevor, hindi naman ako umiyak. Pero pagdating kay senyorito, ang sakit-sakit masabihan ng hindi maganda. Lalo na ngayon na ang tagal ko siyang hinintay tapos ganito pa ang iaasal niya sa akin. "Rika, anak?" Mabilis akong tumakbo papuntang banyo ko nang marinig ang boses ni mama. Isinarado ko ang pinto at nagpunas ng mga luha. "Rika!" muling tawag niya sa akin. Tumukhim muna ako at huminga ng malalim bago sumagot. Ayaw ko mahalata niyang umiiyak ako. "N-nagbibihis lang po!" "Sumunod ka sa kusina, maaga tayong kakain ngayon," utos nito. "Opo!" Nang marinig ang pagkasarado ng pinto ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Na-smudge ang eyeliner ko dahil sa kakaiyak. Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD