Pinunasan ko ang luhang putamak dahil sa saya. Miss ko na si senyorito! Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Inilagay ko sa bag ang tsokolateng bigay niya at inipit iyong sulat niya sa notebook ko para may babasahin ako kapag nalulungkot ulit ako sa school namin! Pagkarating ko sa classroom namin ay tahimik lang akong umupo. Maingay ang mga kaklase ko dahil marami na ang may kani-kanilang grupo. Pero may mga katulad ko pa ring nag-iisa at nagsi-cellphone lang o nakikinig ng music. Kinuha ko ang phone para sana mag-online na lang nang may dalawang lumapit sa akin. Akala ko kakausapin ako pero uupo lang pala sa tabi ko. "Hi!" Nag-angat ako ng tingin sa bumati. Babae at maikli ang buhok niya kaya ayos lang kahit nakalugay ito dahil 'di naman umaabot sa balikat niya iyon. Naabutan ko siya

