Chapter 19

1775 Words

Pinili kong dumistansya kay Senyorito Brandon at mas pinagtuonan ng pansin si Trevor. Sang-ayon naman ang tadhana sa akin dahil isang linggo lang sa isang buwan umuuwi rito sa probinsya si senyorito. "What happened to your neck?" tanong niya habang pinupuno ko ng kape ang tasa niya. Hinawi ko paharap ang buhok para takpan ang markang iniwan ni Trevor doon. Maharot kasi ang isang 'yon at palaging nanghahalik. "Is it an allergy?" nag-aalalang tanong niya bago kinuha ang tasa at humigop. "Hickey lang po, senyorito." Nabuga niya ang kape sa harap ko kaya napalayo agad ako. "Damn! I'm sorry!" saad niya at nagpunas ng bibig bago siya tumayo at hinawakan ang kamay ko. "Are you okay?" Nalaglag ang panga ko at nanlambot ang puso dahil sa tinig niya. Pero bago pa ako matunaw ay mabilis ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD