Napangiti ako at niyakap siya habang naghuhugas siya. Syempre, matagal ko na naman ulit siyang mayayakap 'pag umalis siya! Nang natapos ay nagpaalam kami sa isa't-isa para maligo at magbihis. Simula kasi nang magsimula ang klase ay gabi na ako naliligo at sa umaga ay half bath na lang para 'di na masayang ang oras sa pagpapatuyo ng buhok bago iyon i-pusod. Excited akong pumunta sa kwarto ni senyorito nang matapos magawa ang routine. Pinagbuksan naman niya ako agad at inakbayan. "Hoodie ko?" tanong ko sa kanya. Pinapasok naman niya ako sa walk-in closet niya. Napaawang ang labi ko habang tinitignan ang madami pero organisadong mga damit niya. Karamihan ng mga iyon ay itim pero bagay niya naman dahil mas lalo siyang pumuputi. "I'll pick one for you and choose what I will wear tonight,"

