Farris’ POV Dalawang araw na akong hindi nirereplyan ni Albana. Mas lalo ko tuloy namiss si Jenissa. Akala ko nang dumating si Albana ay maiibsan na ang lungkot sa puso ko pero hindi pala. Pagkakamali ko naman ang dahilan bakit ako ginoghost ni Albana ngayon. Baka nagpalit na rin iyon ng simcard. This is all my fault! Naligaw ang aking titig sa malapad na screen ng TV nang biglang lumabas dito ang mukha ng lalaking humarang sa akin noong araw na namatay si Daddy. “Akala talaga namin ay hindi ka na muling babalik pa, Mister Morris. Good to know that you are running for the position of congressman,” sabi ng isang reporter. Napatayo ako sa gulat nang makita sa malapitan ang mukha ng lalaki. Bahagya kasing nilapit ang camera sa kaniyang mukha. “Damn it!” May kung anong umudyok sa mga

