Farris’ POV Lumapit ako nang marahan sa kinatatayuan ni Aki. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at agad kong piniring ang kaniyang mga mata. “Farris, ano ba? This is crazy,” aniya. Niyakap ko siya matapos kong piniring ang mga mata niya. Huminga ako nang malalim. Naisip ko ang mga sakripisyo ni Aki para lang mahalin ako. Inaamin ko na sa una ay nakipagrelasyon ako kay Aki dahil utos iyon ni Jarris pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na unti-unti na palang nahuhulog sa kaniya. Nahirapan siya lalo na noong dumating si Jen sa buhay namin. Pumagitna si Jen kaya ay nahirapan kami ni Aki sa pagtaguyod ng aming relasyon. Siya ang nagdesisyon noon na kaibiganin niya si Jen upang hindi kami mahalata na may relasyon kami. Mahabang panahon ang tiniis ko at ni Aki upang maging matiwasay

