Farris’ POV Nasa labas ako ng clinic ni Doctora Riz Monreal. Ilang taon na rin akong hindi bumabalik dito dahil akala ko ay kaya kong kontrolin ang sakit ko. Nagkamali ako nang inakala. Hindi ko pala kaya. Lumala pa ang karamdaman ko nang hindi na ako bumabalik para magpatingin sa kaniya. No one knows that I am crying alone. No one knows how scared I am. Wala akong mapagsabihan. No one knows that I am fighting against this battle alone. Wala akong mapagkakatiwalaan. Natatakot akong matawag na baliw. Natatakot na baka ay magalit lang si Daddy sa akin kapag nalamam niya itong karamdaman ko. I discovered my disorder when I was young. Nasa labas si Jarris noon at naglalaro habang ako ay nasa loob naman kasi nga ay bagong gising pa lang ako. Umahon ako mula sa pagkakahiga sa malambot

