Jenissa’s POV Lumunok na lamang ako habang tinitigan ko ang keychain na nasa palad ng isang pulis. Nagsidatingan ang iba pang mga pulis at agad na binuhat palabas ang bangkay ng kambal ni Farris. Ang dami ng mga nangyari sa gabing ito. Hindi ko kayang ipasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyari. Lumalabas na mali ang ginagawa kong paghihiganti kay Farris dahil unang-una ay hindi pala niya kagustuhan ang pag-aalipusta niya sa akin noon. Nasa ilalim siya ng impluwensiya ng kambal niyang si Jarris. “Dalhin niyo na iyan,” utos ng kataas-taasang pulis. “Stop!” Tumingin ako kay Carli na kumaripas sa pagtakbo. Malakas niyang tinulak ang mga pulis upang malayo sila sa akin. “Carli,” tawag ko sa kaniya. She opened her arms to protect me from the men. Lumingon siya sa akin at ngumi

