Chapter 26 Nanlaki ang aking mga mata, paano iyon nangyari? Lumipas ang ilang taon na akala ko ay okay na silang dalawa ni Marwin. Tinignan ko si M nang may pagtataka, ngunit tinignan niya lamang ako nang may galit. “Tita Belle, hindi ba’t nagbago na si Pivo? Masaya naman na kayo, M, ‘Di ba?” tanong ko pa kay M, ngunit tinarayan lamang ako nito. “Ang hilig mong makisali, part ka ba ng pamilyan ito? Hindi ba’t scholar ka lang naman?” nakapikit pa rin ang mga mata ni Tita Belle, habang hawak ang kamay ko. “Makapagsalita ka, parang parte ka ng pamilya namin.” “Dell.” Saway ko sa kaniya, hindi maganda na sabayan niya pa ngayon ang nangyayari. “Fine..” tumaas ang kaniyang dalawang kamay sa ere, “Tita, alisin niyo na lang po ang sekretarya niya.” pumungay ang mata ni Tita Belle nang tig

