Chapter 43 “A-ano?” gulat kong tanong sa kaniya, “Ano ulit?” nanginginig pa ang mga tuhod ko, hawak-hawak niya pa rin ang baba ko. Nakatingin siya sa mga mata ko, “Sinabi ko na, ayoko ulitin.” “Mahal mo ‘ko?” baka mali lang ang pagkakarinig ko, baka nag-I-imagine lang ako. “Totoo?” inalis niya ang pagkakahawak niya sa baba ko, tumingin siya sa akin ng diretso. “Totoong mahal mo ‘ko?” sunod ko pang tanong sa kaniya. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking labi, kita ko ang kaniyang paglunok. “Pivo..” mahinang tawag ko sa kaniya, “Mahal mo ba talaga ko?” pinikit niya ang kaniyang mata, tila para niyang pinatunog ang leeg nito at nang tignan niya akong muli ay mabilis niyang hinawakan ang pisngi ko. “I’ll show you, mukhang hindi ka naniniwala sa sinabi ko. Ipapakita ko na lang sa ‘y

