Chapter 22 “P-pivo!” nawala na sila sa paningin ko nang matiim ko silang sundan. Hindi ko alam kung bakit feeling ko ay kailangan kong magpaliwanag, kagat-kagat ko ang labi. Hindi ito ang tamang panahon para makaramdam ako ng luha! Nang maabutan ko si Pivo ay gano’n na lamang ang gulat ko nang makita ko ang kanilang pwesto. Medyo may kalayuan ako sa kanila, ngunit bakit parang ang lapit-lapit sa akin ng mga nakita ko. Tumulo ang luha ko, hindi ba’t sinabi ko na sa iyo ‘to, Tine? Hindi siya nagseseryoso! Ano ba at hindi mo iyon mapasok sa isip mo? Tumalikod ako, hindi ko kayang tignan pa sila. Pinunasan ko ang aking luha, hinalikan niya rin naman ako, ‘di ba? Bakit ako umasa sa halik niya? Katulad lang rina ko ng ibang babae na umaasa. Wala rin akong pinagkaiba sa kanila, pinunasan ko

