Chapter 38 Nang minulat ko ang aking mga mata ay kita ko ang kaniyang pagmangha sa aking ginawa. Mabilis niyang inilayo ang aking labi sa kaniya, habang ako naman ay nakatingin lamang sa akin. Wala akong masabi sa nagawa ko, feeling ko ay gusto ko na lumubog sa kamang ito at kainin ng mga unan. Mabilis siyang tumayo at kumurap-kurap kung tumingin sa akin. “A-ang sabi ko magbihis ka! H-hindi ko sinabing halikan mo ‘ko!” nanlaki ang mga ko lalo nang sabihin niya iyon, agad siyang tumalikod sa akin. Para akong sirang ulo na nakatingin lamang sa kaniyang likod at iniisip ang mga nangyari, iniisip ang aking ginawa! “A-ayan ‘yung damit!” turo niya nang hindi nakaharap sa akin, kita ko kung paano siya tumakbo nang mabilis papalabas ng pinto. Agad kong nasapo ang aking ulo, “Ano ba ang inii

