Chapter 18 “M-may ibibigay pala ako sa ‘yo!” tumitibok ang puso ko sa sobrang wala na kaming imikan, hindi ak nakapagsalita at siya rin ay gano’n. Tumingin siya sa akin nang may nagugulat na ekspresyon, “Ah! Saan?” kinagat ko ang labi ko, hindi ako sanay na gano’n lamang ang sinasabi niya. Ayoko nang ganiyan siya sa akin. Mas gusto ko pa rin iyong badboy type na Pivo. “I-ito!” kahihiyan mang ipakita sa kaniya ang ginawa ko, ngunit nang makita ko kung paano nagbago ang kaniyang itsura ay kumalabog ang puso ko. “You made this?” wala akong nakita sa labi niya na ngiti, natatakot tuloy ako na hindi niya magustuhan. Sino ba naman kasing tanga ang magbibigay ng camera na hindi naman nakakakuha ng litrato? Baka ipukpok lamang sa akin ito ni Pivo. “Pangit-” “No! It’s beautiful

