Hindi ako nanatili sa ospital nang maghapon na 'yon dahil nakiusap rin ako kay papa na gusto ko nang umuwi. I told him I’d feel better at home. Sumang-ayon naman siya at hindi ako tinutulan kahit pa sinabi ng isang nurse kanina na hihintayin pa daw ang request para sa CT-Scan kasi nagrequest ang papa na ipa CT-Scan ako. Nag-alala kasi siya nang sabihin ko na muntik na akong mawalan ng malay pero nilinaw ko naman na hindi tumama ang ulo ko sa kahit anong matigas na bagay. And now we're back in the mansion, nakaalalay ang papa sa akin hanggang sa makarating kami ng silid ko. Nakakalakad naman ako. Wala rin akong paso dahil hindi naman ako inabot ng apoy kanina. Ang usok lang talaga ang nagpahirap sa akin dahil napuno na non halos ang comfort room. "Papa, may jetlag ka pa po. Magpahinga ka

