"Boss! Tama na ang bebe time! Kanina ka pa diyan, ha! Inoorasan kara kata! Let's go na! Ipinapatawag na tayo sa headquarters! Kailangan ng report natin tungkol sa nangyari sa univeristy!" Ang bilis ng naging paglingon ko sa pinto nang marinig ang boses na 'yon ni Kio. I even covered my mouth because of what I heard from him. Nang bumalik ang tingin ko kay Elijah ay para naman walang siyang narinig. He's just looking at me. Hindi na nga siya kumukurap na parang pag ginawa niya 'yon ay mawawala ako sa paningin niya! "S-Si Kio... aalis pala kayo, Eli," sabi ko sa kaniya. Nang hihiwalay na ako ay pinigilan naman niya ako sa baywang ko at niyakap lang ako ulit. I even heard him groaned. Napalingon naman ako muli sa pinto nang makarinig na ng pagkatok doon. "Kinukulit na rin ako ni Ma'am Kami

