Chapter 13

1904 Words
Maaga pa lang ay nasa opisina na ni Nathan si Liam. "You're early," wika ng pinsan na sa tingin niya ay tumanda ng ilang taon dahil sa dami ng problema sa opisina. "I'm sorry, bro, I've been insensitive all this time. Dapat ay kasama mo ako sa mga problema ng DGC," paghingi niya ng paumanhin. Napakunot noo si Nathan na nagulat sa inaasal niya. " And what made you sensitive now?" Hinaluan nito ng biro ang sinabi. "Dad wants me to marry Laura. Para makapagpasok sila ng pera dito at maisalba ang kompanya." "Oh that's good news!" wika ni Nathan na lalong naningkit ang mga mata sa tawa para mang-inis sa kanya. "You're finally getting married!" "Oh no, Nathan. Hindi ko sinasabing pumapayag ako sa gusto ni Dad. In fact, I already told him I will not marry Laura. Kaya ako nandito ay para matulungan kang mag-isip ng ibang solusyon para sa kompanya. We need to do something." "Bakit ayaw mong magpakasal kay Laura? Maganda naman siya at mayaman." "I'm marrying Ysabel," walang gatol niyang sabi. Gusto naman niyang mainsulto sa halakhak ni Nathan sa sinabi niya. "Are you serious?! The formidable playboy of whole San Nicholas, magpapakasal? Akala ko ba ayaw mo ng commitment?" "Don't laugh at me bro. Kaysa kay Laura ako magpakasal, I'd rather marry someone I'm attracted with." "Do you love her?" "We're not talking about love. Malinaw sa amin 'yan. Attracted yes." Tinitigan siya ni Nathan na tila ba inaarok ang katotohanan sa sinabi niya. Love? Impossible. "Kung gusto mo ikaw ang magpakasal kay Laura. Tutal six years ka nang walang girlfriend," pabiro niyang suhestyon. "You know me, Liam, kung ikaw nga malayo ang posibilidad na magpakasal kay Laura, ako pa kaya?" "It's been six years, Nathan," wika naman niya sa pinsan. "Do you think it's high time to forget about Louise?" Lumamlam ang mata ni Nathan pagkabanggit sa dating kasintahan nito. Hindi niya maintindihan kung paanong ang isang nakaraang pag-ibig ay hindi nito makalimutan. "Pinilit ko, Liam, pero hindi ko magawang magmahal ng iba. Hihintayin ko na lang ang panahon na makakaharap ko siyang muli at makahingi ng tawad. At malapit na iyon." "What do you mean malapit na?" "Hindi mo ba nabalitaan ang tungkol kay Mang Greg?" Marahan siyang umiling. "He died yesterday. Heart attack. At ayon sa source ko ay dito siya ililibing sa San Nicholas. Babalik na si Louise. At gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako at tanggaping muli." "Oh... I hope she does, bro. Hindi biro ang paghihintay mo ng anim na taon. If you need my help, nandito lang ako." Tumango naman ang pinsan bagama't nawalan ng sasabihin. Sa ilang sandali ay tahimik lang io. "So, we need to get back to business. Anong pwede nating solusyon sa problemang kinakaharap ng DGC?" "Si Greg ang katulong ni Dad sa pagpapalago ng kompanya." Ang tinutuko'y nito ay ang dating Head Accountant ng DGC na naka dispalko ng limang milyong piso dahil sa pagkakalulong nito sa sugal. Ito rin ang ama ni Louise, ang babaeng una at huling minahal ng pinsan. "Kung ang sabi mo'y patay na si Greg ano ang kinalaman niya sa solusyon natin?" "I will be offering Louise to replace her Dad's position. Isa na rin siyang magaling na accountant ngayon. Naniniwala akong malaki ang maitutulong niya sa kumpanya." "At sa natutulog mong puso..." biro niya sa pinsan na naglabas ng isang tamad na ngiti. "Hihintayin ko lang na matapos ang libing ni Mang Greg, Liam." Isang tango naman ang isinagot niya. Nagtitiwala siya ay Nathan na makabubuti para sa kompanya ang pinaplano nito. At tulong na rin niya sa pinsan ang pagbigyan ang kagustuhan nitong mapalapit sa dating kasintahan. Pagkatapos ng maghapon ni Liam sa opisina ay sinundo niya si Ysabel. Alas syete ng gabi sila nakarating sa bahay ng mga magulang. Naroon na din si Laura kasama ng magulang nito. Ipinakilala niya sa mga bisita si Ysabel bilang kasintahan. Nakita niya ang pag ismid ni Laura at ang pagkagulat sa mga mata ng magulang nito. Sa harap ng hapag-kainan ay puro negosyo ang nangibaw sa usapan nina Alex at Fred. Si Laura ay nakikisali din sa usapan ng mga ito na tila ba alam nito ang lahat sa kompanya. Gusto man niyang salungatin ang ilan nitong sinabi ay pinigilan niya na lang ang sarili. Hindi niya gustong ipahiya ito sa harap ng maraming tao. Si Ysabel naman ay tahimik lang hanggang sa matanong ito ng ama ni Laura. "Anong trabaho mo, iha?" "I'm into modeling," tipid nitong sagot saka itinuloy ang pagkain. Si Laura ay napataas naman ang kilay. "Kaya pala napakaganda ng tindig mo iha. At napakaganda rin ng mukha mo." Ang ina ni Laura ang nagsalita na nagpakita nang pagkagiliw ngayon. "Salamat ho," sagot naman ni Ysabel sabay na ngumiti sa ginang. "Nakuha kasi sa makapal na makeup, Ma." Kunwaring kibit balikat na wika naman ni Laura. SI Ysabel naman ang nagulat sa huling sinabi ni Laura. Alam niyang hindi siya gusto ng babaeng kaharap. Nang ipakilala siya ni Liam kanina ay umismid ito at hindi iyon nakaligtas sa kanya. Hindi siya tinantanan nang mapanuri nitong mga mata. Ito ba ang balak ipakasal kay Liam ng magulang? Kung itsura ang pag-uusapan ay may itsura naman ito. Maganda rin ang katawan dahil sa suot nitong mini-skirt na halos hindi na yata ito makahinga. Pero halata ang pagta-trying hard nito mag-ingles at madalas walang kabuluhan magsalita makasabat lang sa usapan. The typical b***h as they call it in modeling world. Sanay na siya sa mga katulad nito sa Amerika - Pinoy man o ibang lahi. "Saan ka nakatira? Ngayon lang yata kita nakita dito sa San Nicholas? Saan kayo nagkakilala nitong si Liam at nabighani ata ang puso ng binata ni Alex?" Tanong pa ng ama ni Laura na kanina lang ay halos hindi naman siya tinatapunan ng tingin. "S-sa condo ho ni Liam," alanganin niyang sagot. Pero hindi naman siya pwedeng magsinungaling dahil alam ng pamilya ni Liam ang totoo. She knows Laura would make a mean comment. At hindi siya nagkamali. "Bakit pumayag ang magulang mong makipag live-in? Hindi ka ba nahihiya? Iang taon ka na ba?" sunod sunod na tanong ni Laura. "We're not living together yet. Pero wala namang tao sa condo ko kaya ipinagamit ko muna." Si Liam ang sumagot sa babae. "Hindi pa rin magandang tignan lalo at probinsya dito. Oh well, sabagay, sa yaman nila Liam sino nga ba ang tatanggi? Magkano lang ba ang sinasahod ng mga modelo ngayon." Ysabel was trying hard to control her anger. This girl definitely doesn't know her. And if she's a b***h, she can be bitcher. "May idea ka ba kung magkano ang sinasahod ng tulad namin?" paghahamon niya. "Wala. Pero sa dami ng modelong pumapatol sa pulitiko para sa materyal na bagay, siguradong kakarampot na kita lang 'yan." "Oh well, Laura, definitely I can afford to pay a condo. But it's not wiser. At kung pag-uusapan ay ang sahod ng isang modelo, it depends. Something like five to fifty million annual income. Pero hindi naman ako top model. I only earned nine million last year. What do you think?" "Talaga?" Hindi pa rin tumitigil si Laura na para bang nagyabang lang siya pero hindi naman totoo. "How come hindi kita nakikita sa mga commercials sa tv o kahit sa magazine man dito? Saan ka nagmomodelo, sa bundok ng Timbukto?" Napangisi pa ito at naghanap ng kakampi sa mga tao sa hapagkainan. Pinisil ni Liam ang kamay niya na hindi niya alam kung para saan. "I'm from New York, Laura. My nine million dollar income was in dollar. My shows include New York Week, Victoria Secret, Dior, Channel.. I hope you know the brands." Ysabel swears she heard Liam and Sarah laughed. Hindi na muling nagsalita si Laura. Siya naman ang nahiya sa sagutan nila ng babae. Hiniling nyang sana'y matapos na lang ang gabing ito. Nasa living room na sila ng muling nagsalita si Laura. Alam niyang sadya nitong ipinarinig ang pag-uusap sa kanya. "Hindi ko alam na napakasarap pala ng pagkain sa Vencio's Garden sa Calapan, Uncle Alex. Buti na lang at dinala ako doon ni Liam kahapon." Sinulyapan pa nito ang binata nang napakalagkit. Ysabel stunned for a moment. Hindi sinabi ni Liam na magkasama ito at si Laura kahapon. At sa Calapan pa! Wala ba siyang karapatang malaman? Hindi siya nagpahalatang nainis siya sa narinig. She knows Laura will do everything to provoke her. Hindi niya ibibigay ang hinihingi nito. Nagkunwari siyang wala sa kanya kahit pa magkalapit ang dalawa kapag nakatalikod siya. Napakatagal ng oras para sa kanya ang gabing iyon. Sa mahabang sandali ay sila Laura ang nangingibabaw ang boses. Si Sarah ay nagpaalam nang matutulog nang maaga. Nagkunwari na rin siyang inaantok para ihatid na siya ni Liam. Pagdating sa sasakyan ay hindi na siya kumikibo. Her heart was hurt knowing that Liam hide something from her. Na hindi man lang ipinaalam ni Liam sa kanya na nasa Calapan ito kahapon at kasama si Laura kahit man lang pabalatbunga. "Are you okay?" tanong ni Liam ng makitang pumikit siya. "Yes. Masakit lang ang ulo ko." Hindi siya kumibo hanggang sa makarating sila sa condo. Humalik ang binata sa kanya pero dagli niyang tinapos ang halik na iyon at inilayo kaagad ang sarili. "Sige na gagabihin ka sa daan," wika niya na iniiwas kaagad ang tingin. "You're not consistent, babe, ano ba ang problema?" "Wala..." "Don't lie to me. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nagsasabi kung ano ang problema." "Masakit kang talaga ang ulo ko." "Sinasabi ko na sa 'yo, hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi kung ano ang problema." Umupo siya sa sofa at nagtanggal ng sapatos. Ang luha niya'y gusto nang pumatak. Kanina pa niya gustong ilabas ang inis at ngayon ay hindi na yata papapigil ang emosyon niya. "Hindi naman normal ang setup natin, so I won't expect anything. Kung magbago ang desisyon mong pakasalan si Laura, I will understand." "I told you, I will never marry Laura." "M-magkasma kayo kahapon.." She finally said it. Halos bumara pa sa lalamunan niya ang sinabi sa pagsisikap na itago na nasaktan siya. "Oh... Kaya ka nagagalit? Kaya ka nagkakaganyan?" Nakatanaw ito sa pintong halos nakabukas pa. Tinungo niya ang pinto at isinara. Hindi niya gustong may makarinig sa labas ng pagtatalo nila. "Hindi ako nagagalit. But have the decency to tell me the truth dahil ayaw kong magmukhang tanga!" She almost burst into tears. Agad siyang tumalikod pero kaagad ding nahagip ni Liam ang kamay niya. "Oh, babe... I'm sorry, I didn't tell you. Papunta na ako ng opisina nang tumawag si Dad para ipag-drive siya sa Calapan. Nasa casa kasi ang kotse niya. Nang makauwi ako dito kahapon nawala na sa isip ko nang makita kita. It was unintentional. Wala lang naman sa 'kin iyon" "Wag mong isipin iyon, like I've said we don't have the normal setup. I don't have the right to demand anything from you." "You have the right, Ysabel. I'm giving you all the rights to demand from me. Kaya nga humihingi ako ng paumanhin." Tinangka nitong lapitan siya ulit pero mabilis siyang nakaiwas at nakalayo. Hindi na siya hinabol ni Liam. "Goodnight, Liam, please lock the door when you leave." Tumuloy siya sa kwarto at ni-lock iyon. Narinig niya ang malakas na kalabog ng pinto nang umalis si Liam. Nang makaalis ito ay saka siya umiyak nang umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD