Palabas na sana ang dalaga ng building nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kaagad na napakunot noo siya nang makitang unknown number iyon. Alanganin niya itong sinagot.
“H-Hello?”
“Good evening, this is from the office of Altierre Group of Companies, we would like to inform you that you are qualified for the position. For more details we will send it in your email. You are expected tomorrow to be at the office seven am sharp, thank you.”
Nakatunganga lang si Lhev at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Alanganin siya at baka guni-guni niya lang. Hindi pa niya ma-absorb ang nangyayari.
“Wait lang, wait lang,” aniya sa sarili at napapikit saka kinurot ang sarili niya at napaupo sa bench sa gilid at hindi mapuknit ang ngiti sa labi.
Napatakip siya sa mukha niya at huminga nang malalim. Ilang beses iyon saka natawa na lamang sa sarili.
Pagkauwi niya ay kaagad siyang napakunot noo nang masiyadong tahimik ang kanilang bahay. Pagkapasok niya ay nakaupo ang ama niya sa kabilang bahagi ng upuan at ganoon din ang ina. Nakatingin sa ama niya na parang kaiiyak lang.
“Ano’ng nangyari?” tanong niya saka nagmano sa kanila.
Tiningnan niya ang ama at alanganin pa itong sumagot.
“Ma…”
“Eh iyang letseng ‘yan eh. Sinabihan na nga ng doctor na tigilan na iyang kasisigarilyo at may problema siya sa puso hindi nakinig. Aba’y buti na lang nandoon si Kumpare Kadyo sa sabungan at agad siyang nadala kanina sa hospital,” gigil na wika ng ina.
Napatingin siya sa ama niya na hindi makatingin sa kanila nang deritso.
“Magsabi ka kung ayaw mo ng mabuhay letse ka. Hirap na nga tayo namemerwisyo ka pa. Kung gusto mong magpakamatay sana nagbigti ka na lang. Para naman hindi na kami mahirapan ng mga anak mo. Ang tigas-tigas ng ulo mo. Hindi ko na alam kung anong paalala pa ang gawin ko. Kami itong nag-aalala sa ‘yo at baka kung mapaano ka, pero ikaw wala kang pakialam. Sarili mo lang ang iniisip mo. Buti sana kapag inatake ka sa puso tigbak ka kaagad, hindi mo na kami peperwisyuhin pa sa kung saan-saan na naman kami lalapit para mabuhay ka lang,” galit na wika ng kaniyang ina.
Hindi naman makasabat si Lhev at maski siya ay wala na ring ideya kung paano tulungan ang ama. Pinayagan na nga na magsabong pero abusado talaga at nanigarilyo pa.
“Sorry na, patawarin mo na ako. Hindi na ako uulit,” malungkot na sambit naman ng kaniyang ama.
Inambahan naman ito ng ina niya ng suntok kaya agad itong nagtago sa likuran niya.
“Ikaw naman kasi, makinig ka kasi, Pa. Maawa ka naman kay Mama, sa amin, sa sarili mo mismo,” mahinanon niyang wika.
“Oo na, patawarin niyo na ako. Hindi ko na uulitin iyon. Pokus na lang ako ngayon kay Beberli at Beronica,” daad pa nito.
Nabato naman ito ng ina niya ng suklay.
“Aray!”
“Tarantado ka talaga! Sino ‘yang mga ‘yan ha? Diyos ko naman! Lord! Bakit niyo po ako binigyan ng ganitong asawa? Kunin niyo na lang po ako. Grabeng stress na ang binigay niya sa ‘kin,” hiyaw ng kaniyang ina.
Napahawak na lang si Lhev sa kaniyang ulo.
“Ming, ano ka ba? Ang mga manok ko ‘yan,” giit ng ama.
“Kailan pa naging babae ang pangalan ng tandang ha? Bwesit ka! Talagang inuuto mo na naman ako. Mga babae mo ‘yan no?” singhal ng kaniyang ina saka nilapita ang ama niya’t hinila ang buhok nito papasok sa kwarto. Naiwan naman si Lhev sa sala at napailing.
“Pwede naman kasing Nestor at Nilo. Bakit Beberli at Beronica?” asik niya at natawa na lamang.
Kinabukasan ay nanlalamig ang kaniyang kamay na pumasok sa malaking building. Nakasuot ng itim na trouser at white plo shirt. Kinakabahan na para bang lalabas na ang puso niya sa lakas ng kabog. Huminga siya nang malalim saka ngumiti nang tipid.
“Okay, relax ka lang, Lhev. This is it. Ito na ‘yon,” aniya sa sarili saka naglakad na papasok. Kaagad siyang binati ng guwardiya.
Lumapit siya sa front desk at kaagad na ngumiti naman ang babae roon.
“Good morning, what can I help you?” tanong nito sa kaniya.
Kaagad na kinuha niya ang kaniyang kopya ng CV at kaagad na napatango naman ito. Mukhang expected na rin ang kaniyang pagdating.
“This way po,” saad nito at iginiya siya papunta sa elevator sa gilid. Inihatid siya nito hanggang sa top floor. Kumatok naman ang babae at kaagad na bumukas iyon at may babaeng sa tingin niya ay mid-forties na at nilapitan siya.
Umalis na rin ang receptionist kanina at nginitian siya ng babae.
“Hello, Miss Galarosa. Our boss is waiting for you inside,” sambit nito at pinapasok siya.
Napatingin siya sa paligid at sa unahan ay may isa pang pinto. Purong glass iyon na tinted.
“Ahmm.”
“I’m Bettina Flores, personal assistant of the CEO. Hinihintay ka na niya sa loob, he personally wants to see you. Pasok ka lang. Just a little reminder, makinig ka lang sa kaniya at kung pupuwede ay kung marami kang tanong ay keep mo na lang sa sarili mo to avoid further complications,” sambit nito.
Tumango naman si Lhev at napahinga nang malalim. Sa sobrang kaba niya ay ramdam niya ang pamamasa ng kaniyang palad.
Nginitian lang siya nang tipid ni Bettina at binuksan ang pinto. Kinakabahang pumasok naman si Lhev at kagyat na napahinto.
A stalwart man was standing facing the windows. Nakatalikod sa kaniya showing his meticulous yet magestic build. Kahit nakatalikod ay ramdam niya ang authority at kakisigan nito.
“G-Good morning po,” aniya at napahawak nang mahigpit sa gilid ng trouser niya.
Lumingon naman ang binata at kaagad na nag-abot ang kanilang paningin. Halos mawalan ng hininga si Lhev sa pagpipigil. Kakaiba ang titig nito. Para bang isang mali niya lang ay malalagot siya.
His eyes were blank and mysterious. Para bang may hinahanap sa kaniya.
Umupo ito sa swivel chair niya at sinenyasan siyang umupo. Kamuntik pa siyang mapatid sa halo-halong emosyong nararamdaman. Tama nga ang nga taong nakakakita sa binata. Nakakatulala ang kaguwapuhan nito. His grayish-blue eyes took her breath away. Para bang nanghihipnotismo na hindi niya kayang huwag itong titigan.
“Are you done admiring my face? Nakapasa ba ang kagwapuhan ko sa ‘yo?” he asked in a serious tone.
Napakurap naman si Lhev at kaagd na iniwas ang kaniyang tingin. Gusto na niyang kurotin ang sarili sa sobrang hiya.
“H-Huh? P-Pasensiya na po,” hinging paumanhin niya at nakagat ang labi sa inis.
Hindi niya matingnan sa mata ang binata at para siyang matutunaw.