Ang amoy ng antiseptic at ang nakabibinging tunog ng mga monitor sa intensive care unit ay tila naging background music sa pinakamabigat na gabi sa buhay nina Lhevie at Vito. Sa loob ng operating room, nag-agaw-buhay si Isabela. Dahil sa kaniyang napaka-sensitive na pagbubuntis, sa tindi ng stress na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan, at sa biglaang panganganak, nakaranas siya ng matinding postpartum hemorrhage. Kritikal ang kondisyon niya. Ilang bag ng dugo na ang naisalin sa kaniya, at kasalukuyan siyang nakakabit sa isang ventilator sa ICU, walang malay, at nakikipaglaban para sa kaniyang huling hininga. Ngunit sa kabilang dako ng ospital, sa loob ng nursery room, isang himala ang umiiyak. Isang malusog na sanggol na lalaki. Ang bata ay ligtas. Walang kaalam-alam sa gulo, sa

