Sa loob ng Altierre Empire, ang hangin ay tila naging kasing-lamig ng yelo. Walang empleyado ang nangangahas na tumingin nang diretso sa mga mata ni Niccolo. Ang bawat meeting ay nauuwi sa pagsigaw, pagbalibag ng mga papeles, at ang nakakabinging katahimikan ng takot. "Ulitin mo. Kapag nagkamali ka pa sa numerong 'yan, hindi lang trabaho mo ang mawawala sa'yo sisiguraduhin kong pati pangalan mo ay mabubura sa industriyang ito," malamig na banta ni Niccolo sa kaniyang head accountant na nanginginig na sa takot. Wala nang bakas ng lalakeng ngumingiti habang kausap si Lhevie sa telepono. Ang kaniyang mukha ay tila semento na matigas, blangko, at walang bahid ng awa. Sa kailaliman ng gabi, kung saan ang batas ay walang kapangyarihan, mas lalong naging matunog ang pangalan ni Niccolo. Sa bla

