Chapter 5

2004 Words
Napayuko si Lhev nang mapansing nakatitig pa rin sa kaniya si Niccolo. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga mata niya. Hindi rin siya komportable sa klase ng tingin nito dahil parang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Hindi ka ba kakain?” tanong ni Niccolo sa malamig ang boses. Napatigil siya saglit bago marahang tumango. “O-Opo…” Umupo siya nang maingat, halos hindi makagawa ng ingay habang hinihila ang upuan. Parang natatakot siyang may magawa siyang mali. Tahimik siyang kumain at dahan-dahan. Halos hindi nga siya makanguya nang maayos dahil ramdam niya pa rin ang presensya ng binata sa tapat niya. “Bakit ang konti mong kumain?” Napatingin siya sandali bago muling yumuko. “Busog na po…” Hindi iyon totoo. Pero hindi na niya kayang ipagpatuloy pa ang pagkain sa harap nito. “You’re full?” usisa nito. Mahinang tumango si Lhev. “Opo…” Saglit na natahimik ang paligid. “From tomorrow, you’ll follow my schedule.” Napatigil siya. “Five in the morning, gising ka na.” Napalunok siya. “Ah…o-opo…” “Don’t be late,” dagdag pa niyo habang nakatingin sa kaniya nang malalim. “Hindi po…” Bahagya siyang napapikit. Ayan na naman siya. Napakagat siya sa labi. “Gigising po ako nang maaga,” agad niyang pagwawasto. Napansin iyon ni Niccolo. Hindi siya nagsalita, pero tila may kung anong nagbago sa ekspresyon nito, hindi niya lang mawari kung ano. “After this, ipapakita ko sa ’yo ang kwarto mo.” Tumango siya. “Opo…” Tahimik siyang sumunod kay Niccolo paakyat ng hagdan. Bawat hakbang niya ay maingat. Parang kahit ang paghinga niya ay kontrolado. Hindi niya alam kung bakit, pero iba ang aura ng lalaking ito. Hindi siya komportable— pero hindi rin siya makaiwas. Huminto si Niccolo sa isang pintuan at binuksan iyon. “This is your room.” Dahan-dahang pumasok si Lhev. At halos mapahinto siya sa kinatatayuan. “Ang…laki,” mahinang bulong niya. Hindi niya napigilang tumingin sa paligid na malinis, maayos, at sobrang ganda. Para siyang nasa hotel. “Kung may kailangan ka, sabihin mo kay Bebang.” Mabilis siyang tumango. “Opo…” “Your things?” “Ah…ito lang po…” sagot niya saka bahagyang tinaas ang maliit niyang bag. Saglit na napatingin si Niccolo roon. “‘Yan lang?” Nahiya siya. “O-Opo…” “Hmm.” Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng tunog na iyon. Lalo siyang kinabahan. “Magpapadala ako ng iba mong gamit bukas.” Nanlaki ang mata niya. “H-Hindi na po—” sabat niya. “I said I’ll take care of it,” he stated firmly. Napatigil siya saka dahan-dahan siyang tumango. “Opo…” Hindi na siya naglakas-loob pang tumutol. Tahimik siyang nakatayo habang pinagmamasdan siyang muli ni Niccolo. Ramdam niya ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay para bang hinihigop ang kaluluwa niya. Napalunok siya at kaagad na iniwas ang tingin dito. “Rest.” Iyon lang ang sinabi nito bago tumalikod at lumabas ng kwarto at naiwan siyang mag-isa. Dahan-dahan siyang napaupo sa gilid ng kama. Mahigpit niyang hinawakan ang bag niya. “Ang bilis ng mga nangyayari…” mahina niyang bulong. Hindi pa rin siya makapaniwala. Kanina lang, nasa bahay lang siya nila. Ngayon ay nasa loob na siya ng napakalaking mansyon. At kasama ang isang lalaking hindi niya maintindihan. Humiga siya sa kama, pero hindi agad nakatulog. Hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung dahil sa kaba o dahil sa presensya ni Niccolo na pakiramdam niya ay kahit wala sa kwarto, ay ramdam pa rin niya. ⸻ Kinabukasan ay mahinang katok ang gumising sa kaniya. “Iha…gising na. Napagod ka ba kagabi? Ehe. May masakit ba sa ‘yo?” boses ni Bebang mula sa labas. Mabilis siyang napabangon. “P-Po!” “Alas singko na. Naghihintay na ‘yung boss natin sa baba.” Kinabahan siya. “Sandali lang po!” Nagmamadali siyang nag-ayos. Halos manginig pa ang kamay niya habang nagsusuklay ng buhok. Pagkababa niya ay naabutan niya si Niccolo sa dining area. Nakatayo ito, nakaayos na, at mukhang kanina pa naghihintay. Agad siyang napatigil. “Good morning po…” mahina niyang bati. Napatingin sa kaniya si Niccolo. Isang tingin lang pero sapat na para kabahan siya. “Seven minutes late.” Napalunok siya. “P-Pasensiya na po talaga,” kinakabahan niyang wika. Niccolo just stared at her intently. “Sit.” Agad siyang sumunod. Tahimik lang siya habang nakaupo, hindi makatingin nang diretso. “Eat,” tipid nitong sambit. “Opo…” Kumuha siya ng kaunting pagkain. Hindi niya alam kung bakit, pero parang mas lalo siyang kinakabahan ngayon. Siguro dahil ito na iyon, ito na ang simula. Ang totoong simula. “Lhev.” Napatingin siya nang bahagya sa boss niya. “Y-Yes po?” Saglit siyang tinitigan ni Niccolo. “Don’t overthink.” Natigilan siya. Hindi niya alam kung paano nito nalaman. Pero tama ito. “Focus on your work.” Tumango siya. “Opo…” Muli siyang yumuko. Ayaw na niyang magsalita pa ng kung ano at baka iba pa ang kaniyang masabi. Pero sa loob-loob niya ay hindi pa rin nawawala ang kaba. Dahil pakiramdam niya ang trabaho na pinasok niya ay hindi lang basta trabaho. Kundi simula ng isang bagay na hindi niya kayang kontrolin. Sa boses pa lang nito ay napapapiksi na siya sa takot. Tahimik lang si Lhev habang sinusubukang ubusin ang laman ng plato niya. Halos hindi niya malasahan ang pagkain dahil sa kaba. Hindi siya sanay. Hindi sa ganitong klaseng paligid. At lalong hindi sa ganitong klaseng tao. “Finish in five minutes.” Napatingin siya agad kay Niccolo. “O-Opo…” Mabilis siyang kumilos, kahit na muntik pa siyang mabilaukan sa pagmamadali. Hindi na siya nagtanong. Hindi na rin siya nagreklamo. Eksaktong limang minuto ay nakatayo na si Niccolo, inaayos ang cuff ng suot niyang coat. Halos mapatulala siya sa lakas ng dating nito. Malinis, mabango, at sobrang gwapo. “Let’s go.” Agad na tumayo si Lhev at sumunod. Hindi siya nagsalita. Hindi siya nagtanong. Tahimik lang siyang parang anino sa likod nito. Paglabas nila ng mansyon ay nakahanda na ang sasakyan. Binuksan ng driver ang pinto para sa kanila. “Good morning, Sir.” Tumango lang si Niccolo. “Schedule.” Agad na iniabot ni Lhev ang hawak niyang maliit na notebook na iniwan nito sa kwarto niya kagabi. Halos nanginginig pa ang kamay niya. “Meeting at nine with the board, site visit at eleven, lunch meeting at one another conference at three…” maingat niyang pagbasa. “Cancel the lunch.” Napatigil siya. “P-Po?” Napatingin si Niccolo sa kaniya. Isang tingin lang ay nanlamig siya. “Cancel it,” malamig niyang ulit. “O-Opo…” Mabilis siyang sumulat. Hindi na siya nagtanong pa. Pagdating nila sa kompanya ay mas lalo siyang kinabahan. Lahat ng tao ay tila abala. May mga nagmamadali, may mga nakayuko sa mga papel, may mga nag-uusap pero halatang seryoso. At nang makita si Niccolo ay biglang nagbago ang atmosphere. “Good morning, Sir.” “Sir.” “Sir Niccolo—” Sunod-sunod ang bati. Pero walang sumagot. Diretso lang ang lakad nito. At si Lhev ay halos tumakbo na para makasabay. Pagpasok nila sa conference room ay napatigil si Lhev sa pintuan. Nasa loob ang ilang lalaki at babae na halatang mayayaman at makapangyarihan. Sa suot pa lang at kilos ay ibang level. Big shots. Napakapit siya sa notebook niya. “Inside.” Napasinghap siya nang marinig ang boses ni Niccolo. “O-Opo…” Pumasok siya at biglang tahimik. Umupo sa gilid na halos hindi huminga. “Mr. Altierre,” bati ng isa sa mga lalaki. “Glad you could make it.” Hindi ngumiti si Niccolo. Hindi rin siya nakipagkamay agad. Umupo lang siya. At saka nagsalita. “Let’s not waste time.” Parang nadaanan ng malakas na bagyo ang loob sa sobrang katahimikan. Biglang naging mabigat ang hangin sa loob ng kwarto. Napakurap si Lhev. Ganito pala siya. Sa trabaho masiyadong ruthless. “I reviewed your proposal,” dagdag ni Niccolo, inilapag ang folder sa mesa. “And I’m not impressed.” Napatigil ang lahat. Maging si Lhev. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng diretsahang salita. “Excuse me?” tila hindi makapaniwala ang isang lalaki. “You heard me.” Malamig iyon at deritso. Walang pag-aalinlangan. “This is mediocre.” Napayuko si Lhev. Parang siya ang nahihiya. “Mr. Altierre, we worked on that for months—” “And that’s the best you could do?” putol nito. Tahimik ang lahat at wala na namang makasagot. Napahigpit ang hawak ni Lhev sa notebook niya. Hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay nenerbyosin na siya. Ramdam niya ang tensiyon sa paligid. “Let me be clear,” pagpapatuloy ni Niccolo. “I don’t invest in weak ideas. And I don’t work with people who settle for less.” Parang nanliit ang buong kwarto. “Then what do you suggest?” tanong ng isa, medyo matigas ang boses. Dahan-dahang sumandal si Niccolo. “At least you asked.” Binuksan nito ang sariling file. At doon nakita ni Lhev kung gaano ito kaiba. Sunod-sunod ang mga detalye. Precise at malinaw. Parang pinag-isipan ang bawat galaw. “This is how you do it,” saad nito. Tahimik ang lahat habang nakikinig. Walang sumisingit. Walang kumokontra. Kasi wala silang mahanap na mali. Napatingin si Lhev sa kaniya. At sa unang pagkakataon. Hindi lang takot ang naramdaman niya. Kundi paghangang hindi niya inaasahan. Taliwas ito sa mga chismis. Too early to say pero hindi na siya magtataka kung bakit isa ito sa mga respected bachelors and wealthiest. Matapos ang meeting ay isa-isang nagsilabasan ang mga tao. Tahimik ang lahat. Parang walang gustong magsalita. Na para bang gusto na lang nila na makaalis nang buhay. “Next time,” dagdag ni Niccolo bago tuluyang lumabas ang huling tao, “bring something worth my time.” At tuluyan itong tumayo. Paglabas nila ng conference room ay halos hindi pa rin makapagsalita si Lhev. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o humanga. “Schedule.” Napatigil siya. “Ah—o-opo…” Agad niyang tiningnan ang notes niya. Pero halatang lutang pa rin siya. “Site visit po sa eleven…” “Focus.” Napasinghap siya. “S-Sorry po…” Napayuko siya at sobrang nahihiya. Kinakabahan pa lalo na nu’ng makita ang kunot na noo ng binata. “Don’t apologize if you’re not fixing it.” Natigilan siya at uli siyang tumango. “Opo…” Mas mahigpit na ang hawak niya sa notebook. Mas maingat na rin siya. Habang naglalakad sila, hindi niya maiwasang mapaisip. Ganito pala si Niccolo. Hindi lang istrikto. Hindi lang malamig. Kundi walang awa pagdating sa trabaho. Walang lugar ang kahinaan. At ngayon ay kasama na siya sa mundong iyon. Samantala, saglit na napatingin si Niccolo sa dalaga sa tabi niya. Tahimik lang ito simula kanina at hindi nagsasalita. He looks amused. It’s as if a heavy weight was lifted on his shoulders. “Can you make me coffee?” mahinang aniya. Nilingon naman siya ng dalaga at mabilis na sumunod sa utos nito. Pumunta na siya ng pantry. Nakatunganga lamang siya while stirring the coffee. “Para kay, Sir ‘yan?” tanong ng PA nitong si Miss Beltran. “Ah…opo,” magalang niyang sagot. Tumango lamang ito. “Okay ka lang ba, Lhev? Pinahirapan ka ba ng boss natin? He’s like that, pero responsible naman sa mga employee niya,” wika nito. “Okay lang po ako,” aniya at ngumiti nang tipid. “Habaan mo lang ang pasensiya mo, okay? Tiisin mo ang kalamigan at hindi maintindihang ugali. Pabago-bago kasi iyan minsan parang babaeng nireregla. Pero kapalit niyan ay malaking sahod naman. Ako nakayanan ko dahil alipin ako ng salapi,” natatawang wika nito. Maski siya ay nataawa dahil hindi siya exception. Nag-apply nga siya dahil malaki ang sahod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD